Pangungunahan ni FM Arca ang The Red Pseudodragon team sa Asian Rapid Chess Team Championship 2024 sa Hongkong

Pangungunahan ni FM Arca ang The Red Pseudodragon team sa Asian Rapid Chess Team Championship 2024 sa Hongkong

Pangungunahan ni FM Arca ang The Red Pseudodragon team sa Asian Rapid Chess Team Championship 2024 sa Hongkong

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

ni Marlon Bernardino
Manila---Ibabandera ni FIDE Master Christian Gian Karlo Arca ang The Red Pseudodragon team sa Asian Rapid Chess Team Championship 2024 na gaganapin mula Agosto 22 hanggang 28 sa Queen Elizabeth Stadium, Wan Chai, Hong Kong.


Matatandaan na si Arca ay gumawa ng hindi pa nagagawang tagumpay nang siya ay lumabas bilang kampeon sa Open Blitz Competition ng World Youth Chess Championship sa Montesilvano, Italy noong Nobyembre 12-25, 2023. Nitong mga nakaraang buwan, ginawaran din siya bilang kampeon sa Grandmaster Norm Tournament sa Vietnam noong Mayo 2024, Gold Medalist sa parehong Asian Youth Chess Championship 2024 sa Kazakhstan noong Hunyo 9-21, 2024 at sa Eastern Youth Chess Championship 2024 sa Malaysia noong Hulyo 12-21, 2024 sa parehong kaganapan ng Blitz Chess Competition.
"I'm so grateful for this opportunity to be able to play in a different level tournament like the Asian Rapid Chess Team Championship 2024 in Hongkong ," sabi ng 15-year-old player mula Panabo City Davao Del Norte na sariwa pa sa pagkampeon sa Hamungaya Chess Festival 2024 nitong Agosto 17, 2024 na ginanap sa Isulan, Sultan Kudarat
Isang Grade 10 student ng Panabo City National High School sa ilalim ng gabay ni Coach AGM Ramil Langgamon at School Principal na si G. Manuel M. Esperanza ay naghahangad na maging pinakabagong International Master sa bansa.
Kasama rin sa Hongkong mula sa The Red Pseudodragon team sina WGM Miaoy Lu ng China, IM Prin Laohawirapap ng Thailand, IM Adelard Bai ng Chinese-Taipei, Jamison Edrich Kao ng Hongkong, CM Kaushik Ashwath ng Singapore, WIM Kylen Joy Mordido ng Pilipinas, Haoming Qu ng China at FM Abilmansur Abdilkhair ng Kazakhstan.-Marlon Bernardino-