Jhulo Goloran naghari sa Pozorrubio chess tourney

Jhulo Goloran naghari sa Pozorrubio chess tourney

Jhulo Goloran naghari sa Pozorrubio chess tourney

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

ni Marlon Bernardino
Pozorrubio —Ang batikang woodpusher na si Jhulo Goloran ang nagkampeon sa katatapos na Pozorrubio Invitational Chess Tournament noong Sabado, Agosto 17, 2024, sa 3rd floor Executive Building sa Pozorrubio, Pangasinan.


Si Goloran, na naglalaro para sa Manila Indios Bravos sa Professional Chess Association of the Philippines (PCAP), ay ibinulsa ang P7,000 pitaka at ang tropeo para sa paghahari sa torneo na nagsalpukan ng mahigit 75 woodpushers, sa 1-araw na rapid chess tournament, sama-samang inorganisa ng Sangguniang Bayan at Sangguniang Kabataan, alinsunod sa kanyang grassroots chess development program.
Nakakolekta siya ng kabuuang 6.5 puntos, na tumabla lamang kay Romy Torres Fagon ng Urdaneta City sa ikaapat na round.


 “I am very happy with my victory because almost all of the top players in Pangasinan as well nearby provinces and Metro Manila joined the tournament," sabi ni Goloran na empleyado ng Datamatics.
Pumangalawa si Sherwin Tiu ng Maynila kasunod sina Fagon, Abraham Bayron ng Maynila at Paul Tabago ng Tarlac sa ikatlo, ikaapat at ikalimang puwesto, ayon sa pagkakasunod.


Si Tiu na nakakuha ng 6.0 puntos habang sina Fagon, Bayron at Tabago ay umiskor ng tig-5.5 puntos, ngunit sila ay niraranggo ayon sa kanilang tie-break points. Si Tiu ay tumanggap ng P5,000, si Fagon ay nakakuha ng P3,000, si Bayron ay nanalo ng P2,000 habang si Tabago ay nakakuha ng P1,500.
“I am very excited to see our young children beginning their life with chess,” sabi ni Tournament Director Engr. Ernesto "Snooky" Salcedo III, aniya na ang sport "provides people with logic.”
“It provides people with a great order of process. It provides people the strategically meaningful processes of life,” dagdag ni Salcedo na Vice Mayor ng nasabing 1st class Municipality.


“Encouraging our children to play Chess may be our solution to the findings that they lack critical thinking. Chess will expose them to an environment that facilitates creativity, strategic thinking and innovation.” sabi ni Salcedo.
“We believe in the Filipino chess players. We know we can really excel on the international stage." huling pananalita ni Salcedo.


Isang simultaneous game ang isinagawa naman ni National Master at United States Chess Master Almario Marlon Bernardino Jr.
Muli namang ipinakita ni Bernardino, tubong Binalonan, Pangasinan, na nananatiling walang kapantay ang kanyang husay sa chess. Sa 10 sabay-sabay na laro na kanyang ginawa, bago ang Pozorrubio Invitational Chess Tournament noong Sabado, si Bernardino ay nanalo ng 7 laro at naka tatlo na tabla ang resulta.
Si Bernardino, na isa ring sertipikadong United States Chess Master at isang online Arena Grandmaster ay ang mga naka draw ang mga sumusunod na manlalaro na sina Ericka Ordizo ng Alaminos, Kim Andrea Mamaril ng Binmaley at Jenric Kurt Aquino ng Calasiao.
Samantala, nanguna sa kani-kanilang dibisyon sina Gansib Apilada (Pozorrubio lang) at Joash Fritz Aquino (Kiddies category).-Marlon Bernardino-
Caption photo:
Mula sa kaliwa ay sina
NM Romeo Alcodia, NM Almario Marlon Bernardino Jr., Sherwin Tiu (2nd), Jhulo Goloran (Champion), Romy Torres Fagon (3rd), Pozorrubio, Pangasinan Vice Mayor Engr. Ernesto "Snooky" Salcedo III (Tournament Director), Eduardo Suarez (Chief Arbiter) at Fidel Labuanan (Deputy Chief Arbiter)