Quizon magpapakitang gilas sa PCAP Grand Finals ng Tournament of Champions chess tilt

Quizon magpapakitang gilas sa PCAP Grand Finals ng Tournament of Champions chess tilt

Quizon magpapakitang gilas sa PCAP Grand Finals ng Tournament of Champions chess tilt

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

ni Marlon Bernardino
Manila---Papangunahan ni Grandmaster elect at International Master Daniel Quizon ang mga paborito ng kalahok sa pagtulak ng Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) Grand Finals ng Tournament of Champions (face to face, over the board) na itinakda sa Hulyo 19, 20 at 21 sa South Wing Atrium, Greenhills Mall sa San Juan City.


Ang 19-anyos na si Quizon, na nakakuha ng korona ng Philippine National Chess Championship sa Marikina Community Convention Center sa Marikina City noong Enero 7, ay naghahangad na magkampeon sa Round Robin tournament dahil sa kanyang kasalukuyang tagumpay.


Si Quizon, isa sa mga nangungunang manlalaro ng Dasmariñas Chess Academy sa ilalim ng patnubay nina mayor Jenny Barzaga, coun. Kiko Barzaga at national coach FIDE Master Roel Abelgas ay sariwa sa pagkapanalo sa 2nd Gov. Henry S. Oaminal Open Rapid Chess Tournament sa AYA Hotel and Residences sa Clarin, Misamis Occidental noong Hulyo 10.


" I hope to do well in this event," sabi ni Quizon na nakatakdang katawanin ang bansa sa 45th Chess Olympiad sa Setyembre 10 hanggang 23 sa Budapest, Hungary.
Kinakailangan ni Quizon mapataas ang kanyang live standard rating 2460 tungo sa 2500 para ma kumpleto ang GM title status.


Mismong sina PCAP Chairman Michael Angelo Ong Chua, PCAP President-Commissioner Atty. Paul Elauria, PCAP treasurer Atty. Arnel Batungbakal, PCAP technical committee head Engr. Jojo Buenaventura, Coach Hubert Estrella at Sportsman Jessie Villasin ang mangunguna sa opening ceremony ngayong Biyernes ganap na 8:30am.  Magsisimula naman ang Press Conference ganap na 6pm.
Ang kaganapan, na sanctioned ng Games and Amusements Board (GAB) ay nag-aalok ng pinakamataas na pitaka na P80,000.


Ang iba pang woodpushers na maglalaban-laban sa event, na itinataguyod ng PCWorx, The Michael Angelo Foundation Inc., at sa pakikipagtulungan ng HubzStar Chess Center at Greenhills Mall ay sina GM Rogelio "Joey" Antonio Jr., IMs Joel Banawa, Kim Steven Yap at Chito Garma , FM Ellan Asuela at Austin Jacob Literatus.
Ang iba pang kilalang pawn pushers na kalahok ay sina Kevin Arquero, Omar Bagalacsa, John Philip Gabuco, Virgen Gil Ruaya at Mark Kevin Labog.


Ang ikalawa hanggang ikatlong puwesto ay tatanggap ng P30,000 at P20,000 ayon sa pagkakasunod habang ang ikaapat hanggang ika-12 puwesto ay kikita ng tig-P5,000.
"Under tournament rules of the Grandfinals of Tournament of Champions , it will be a Round Robin Format. Each round will be composed of Blitz (5 minutes plus 3 seconds increment) and Rapid (13 minutes plus 2 seconds increment). Blitz will be scored 1 for win, 0.5 for draw and 0 for loss. Rapid will be scored 2 for win, 1.0 for draw and 0 for loss. Highest Total Game Points will win the round and will get 1 Match Points as a score. If the score is tied, then 0.5 will be awarded to each player," paliwanag ni Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) Chairman Michael Angelo Ong Chua.
Gaganapin din ang cosplay competition na may chess na tema na Checkmates ngayong Sabado sa nasabing lugar. -Marlon Bernardino-
Caption photo:
Makikita sa larawang mula kaliwa ay sina Mark Kevin Labog, Kevin Arquero, Coach Gerry Paul Nudalo, PCAP Chairman Michael Angelo Ong Chua, PCAP commissioner Atty. Paul Elauria, IM Chris Ramayrat, Pasig City Education and Sports Unit Head Atty.Kathleen Mae Villamin, Pasig City Rep. Roman Romulo at Coach Franco Camillo sa awarding ceremony ng Pasig Chess Championships-Battle of the Future Grandmasters na ginanap sa Estancia Mall sa Pasig City nitong Hulyo 13, 2024.