ni Marlon Bernardino
Dapitan City---Ang Seasoned woodpusher at National Master (NM) na si Mar Aviel Carredo ang nagkampeon sa 2024 National Age Group Chess Championships Grand Finals na ginanap noong Hunyo 24 hanggang 28 sa Dapitan Sports and Cultural Complex, Dapitan, Zamboanga del Norte dito.
Si NM Carredo , na isa sa pambato ng Dasmariñas Chess Academy sa ilalim ng gabay nina Dasmariñas City Mayor Jenny Barzaga, Coun. Kiko Barzaga at national coach FIDE Master Roel Abelgas ay nakopo ang titulo matapos maghari sa U14 Boys Standard FIDE tournament na punong abala si Dapitan City Mayor Mayor Frederick Seth "Bullet" Jalosjos.
Siya ay tumapos ng undefeated sa kanyang kampanya na may 12 points mula sa 11 wins at 2 draws sa thirteen-round competition.
Tinalo ni NM Carredo sina AFM Jaymiel Piel , Quarl Maverick Vera Cruz at Aaron Aton sa unang tatlong round, ayon sa pagkakasunod.
Naputol ang kanyang ikatlong sunod na panalo nang makatabla si kay David Leonard Azuela sa kanilang laro.
Gayunpaman, nagpatuloy si NM Carredo sa panalo ng gibain sina AFM Lord Yofiel Young, Efren Castino Paulo, Chrys Eril Ladista, AFM John Peter Allen Cabales, Jed Axcel Tubio, Rafiel Irvin Lacorte at Nathan Segara, sa pagkakasunud-sunod.
Nakipag-draw siya kay Keith Adriane Ilar sa 12th at penultimate round bago tinalo si Yorhy Gabriel Sapigao sa ika-13 at huling round.
Si NM Carredo, isang incoming Grade 8 pupil ng Dasmariñas Integrated High School ay nanalo rin ng silver sa rapid and blitz event.
"I am happy to have won the 2024 National Age Group Chess Championships Grand Finals in Dapitan City, " sabi ng 13 years old Carredo na nakatakdang lumahok sa 2nd Gov. Henry S. Oaminal Open Chess Tournament sa Hulyo 9 at 10 sa AYA Hotel and Residences sa Clarin, Misamis Occidental.
Bida din ang mga Dasmariñas Chess Academy bets na sina John Curt Valencia at National Master Phil Martin Casiguran matapos ang podium finish sa kani-kanilang kategorya.
Kinuha ng 11 taong gulang na si Valencia, isang Grade 6 pupil ng Dasmariñas 2 Central School ang gold medal sa Standard U12 Boys division. Nanalo rin siya ng silver sa Blitz competition.
Ang 13 taong gulang na si Casiguran, isang incoming Grade 8 pupil ng Dasmariñas Integrated High School, ay nanalo naman ng bronze sa Standard competition ng U18 Boys class. Si Rigil Kent Rosell ng Lipa City, Batangas ang nakakuha ng gold habang si Zeus Alexis Paglinawan ng San Mateo, Rizal ang nakakuha ng silver.
Ang Tournament Director ay si NCFP CEO FST/GM Jayson Gonzales habang si IA Reden Cruz ang Chief Arbiter.-Marlon Bernardino-
Caption Photo: mula kaliwa
John Curt Valencia, National Master Mar Aviel Carredo at National Master Phil Martin Casiguran