Bernil nagpakitang gilas sa Jalosjos chess tournament

Bernil nagpakitang gilas sa Jalosjos chess tournament

Bernil nagpakitang gilas sa Jalosjos chess tournament

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

ni Marlon Bernardino
Dapitan City, Zamboanga del Norte---Muli na ng dala ng karangalan si Noel "Nonoy" Bernil Jr. sa Tanjay , Negros Oriental matapos makisalo sa unahang puwesto sa  boys’ Under-12 division ng Mayor Seth Frederick "Bullet" P. Jalosjos National Age Group Chess Championships Grand Finals na ginanap sa Dapitan City Sports Complex, Zambonaga del Norte nitong Linggo, Hunyo 23, 2024.


Tinalo ng 12-anyos na chess wizard si Jerrick Roose Albert ng Bicol sa huling round gamit ang white pieces. Nagtapos si Bernil ng 6.0 puntos sa anim na panalo at isang talo sa pagtatapos ng pitong round Swiss-system rapid tournament, na umakit ng mga manlalaro mula sa buong Pilipinas.


Tumapos si Bernil sa tuktok kasama si Justin Jed Ortillo ng Cabuyao City, Laguna, na nagpabagsak kay John Curt Valencia ng Dasmarinas City, Cavite. Gayunpaman, si Ortillo ay nakakuha ng unang puwesto pagkatapos ng tiebreak.
“I am very happy with my victory because almost all of the top players in the country joined the tournament," sabi ni Bernil na nagtapos ng Elementarya sa Plaza Central School sa Tanjay City, Negros Oriental.


"I would like to thank my father (Engr. Noel) and my mother (Mary-Ann) for supporting my participation in the Mayor Seth Frederick "Bullet" P. Jalosjos National Age Group Chess Championships Grand Final,” ani ng amiable Nonoy na tawag sa kanya  ng mga chess friends, na pambato ng Tanjay City Chess Club.Ang batang Bernil ay ang 2023 National Youth and Schools Chess Champion.


Nauna rito, nagsagawa si Dapitan City Mayor Seth Frederick "Bullet" P. Jalosjos at Princess Rane Magallanes ng mga ceremonial moves sa pagsisimula ng isang araw na torneo na dinaluhan din nina Dating Dipolog City Vice Mayor Edelburgo "Bebs" Cheng, NCFP Director Engr. Rey Cris Urbiztondo, NCFP CEO Jayson Gonzales , Chief Arbiter IA Reden Cruz at Mam Sendelyn Magallanes.
Ang iba pang mga kilalang nanalo ay sina Hannah Segara (U-12 Girls), Jaymiel Piel at Tyrhone James Tabernilla (U-18 Boys), Jersey Marticio at Jirah Floravie Cutiyog (U-18 Girls).
Samantala, nagpapatuloy ang aksyon kapag nagsimula na ang standard chess competition ngayon Lunes, Hunyo 24, 2024.-Marlon Bernardino-