Cutiyog nagkampeon sa Bustamante chess tilt

Cutiyog nagkampeon sa Bustamante chess tilt

Cutiyog nagkampeon sa Bustamante chess tilt

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

ni Marlon Bernardino
IMUS CITY, Cavite---Tinalo ni PH chess wizard Jirah Flravie Cutiyog ng General Trias City ang lahat niyang nakatungali tungo sa paglikom ng 6.0 puntos para mag reyna sa 1st BGA Realty CEO Pres. Gerry Bustamante 1900 at Below Rapid Chess Tournament na ginanap noong Linggo, Hunyo 9 sa Robinsons Place Imus dito.


Binuksan ng 15 taong gulang na Cutiyog ang kanyang kampanya sa pamamagitan ng panalo laban kay Kermiel Laxamana pagkatapos ay sinundan ito ng mga tagumpay laban kina  AIM Rowel Canaveral,  Elcid Estaron , Noel Trines Jr. , AFM Jaymiel Piel, at Clark Kaeron Kwan.


Ang kanyang pananaig ay isang testamento ng kanyang karunungan sa King's Pawn Opening.
 “I am happy with my performance,” sabi ni Cutiyog na Grade 9 student ng Bethel Academy of Sta Clara General Trias Cavite.
Ibinulsa ni Cutiyog ang P3,000 cash prize at isang tropeo kasama nito, na inorganisa ni G. Rolly Aggarao na umakit ng 82 chess players.


Kabilang sa mga sumusuporta sa kanyang chess campaign dito at sa ibang bansa ay sina Mayor Luis Ferrer IV, Vice Mayor Jonas Glyn Labuguen, Cavite Sixth Dist. Rep. Antonio Ferrer, Sports Head Rodolfo Commandante Jr., Bethel Academy of Sta Clara General Trias Cavite at Arena FIDE Master Coach Ederwin Estavillo.


Si Cutiyog ay sariwa sa pagkapanalo sa girls' Under-16 division sa pamamagitan ng pagwawalis sa lahat ng tatlong titulo sa kanyang age group — standard, rapid and blitz — sa katatapos na National Age Group Chess Eliminations noong Hunyo 5 sa Oriental Convention Center sa Dumaguete City, Negros Oriental.


 Noong nakaraang Mayo 11 sa Imus, ginulat niya sina International Master Ronald Bancod, FIDE Masters Mark Jay Bacojo at Roel Abelgas habang nag-e-out ng isang sorpresang draw kontra kay beterano ng World Cup na si IM Michael Concio, Jr
Naging blitz at rapid champion din siya sa Calabarzon regionals na ginanap sa Sta. Rosa, Laguna noong Abril na nakakuha sa kanya ng puwesto sa Palarong Pambansa sa Cebu sa susunod na buwan.
Si Cutiyog ay nasilayan din sa 2023 World Youth Chess Championship na ginanap sa Montesilvano, Italy noong Nobyembre.
Ang kanyang susunod na torneo ay ang National Age Group Chess Championships Grandfinals 2024 na gaganapin sa Hunyo 22-30 sa Dapitan City Sports Complex, Zamboanga del Norte at ang Eastern Asia Chess Championships sa Hulyo 12 hanggang 21 sa Penang, Malaysia.-Marlon Bernardino- .