Recarte Tiauson muling nanalasa

Recarte Tiauson muling nanalasa

Recarte Tiauson muling nanalasa

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

ni Marlon Bernardino
MAYNILA---Muling nagkampeon si Recarte Tiauson ng Barangay Mabca Municipality ng Sagñay, Camarines Sur sa 5th Mayor Fermin Mabulo Open Invitational Chess Tournament na ginanap sa San Fernando, Camarines Sur noong Hunyo 8 hanggang 9, 2024.


Nasungkit ng 36-anyos na si Tiauson, na nanguna sa Jesse Robredo Memorial Chess Tournament III at 2nd Greyhound Open Chess Tournament for a cause, na parehong ginanap sa Naga City, ang nangungunang puwesto matapos irehistro ang pinakamataas na output na 6.5 puntos.


Si Tiauson, na naglalaro sa ilalim ng gabay ni Mayor John Vincent B. Fuentebella ay tumanggap ng pinakamataas na pitaka na P10,000 para sa kanyang pagsisikap.
 “Masaya ako sa performance ko,” ani Tiauson.


 Sina Leo Mirana ng Goa at National Master Carlo Lorena ng Daraga ang pumangalawa hanggang ikatlong puwesto na may tig-6.0 puntos.
Sina Romy Jun Malate ng Naga, Patrick Ismael Credo ng Sipocot at National Master Glennen Artuz ng Naga ay nagtapos sa ikaapat, ikalima at ikaanim na may magkaparehong 5.5 puntos.
Matatandaan na pumangatlo si Tiauson sa titulo ng 8th HDBank Cup International Open Chess Tournament Challenger category sa Army Hotel sa Hanoi, Vietnam noong 2018.-Marlon Bernardino-