Young, Alvarez nanguna sa GM Balinas youth chessfest ngayon Sabado

Young, Alvarez nanguna sa GM Balinas youth chessfest ngayon Sabado

Young, Alvarez nanguna sa GM Balinas youth chessfest ngayon Sabado

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

ni Marlon Bernardino
MANILA, Philippines -- Mismong si 8-time Illinois USA champion International Master Angelo Abundo Young ang magiging panauhing pandangal sa pag tulak ng Atty. GM Rosendo Carreon Balinas Jr.Open Youth Rapid Chess Tournament (18 below) ngayon Sabado (Enero 13, 2024) na gaganapin sa Level 1 Digiworld, Robinsons Galleria, Ortigas Center, Quezon City.


Si Young, pangkalahatang ika-8 puwesto sa 2019 Bucharest, Romania World Seniors Chess Championships, ay maghahatid ng inspirational remarks sa opening ceremony ng isang araw na Bayanihan Chess Club tournament.
Inaasahan din na gagawin ni Young ang ceremonial move kasama sina Institute of Integrated Electrical Engineers (IIEE) National Past President Engr. Allan Anthony P. Alvarez at Bayanihan Chess Club co-founding chairman Engr. Antonio Carreon Balinas.
Inimbitahan din na dumalo sa opening ceremony sina coach Ederwin Estavillo, UAE based Danilo Reyes, Samson Kevin Legaspi Cantela, Bong Buto at iba pang chess supporters.
“IM Angelo Abundo Young is the perfect choice to be our guest speaker, since most of the young kids today look up to him as their idol, aside from our very own GM Wesley So, Asia's First GM Eugene Torre and WGM Janelle Mae Frayna,” ani ni Bayanihan Chess Club founding president NM Almario Marlon Quiroz Bernardino Jr.
Ang chess tournament ay ginanap bilang parangal kay Atty. GM Rosendo Carreon Balinas Jr., nominado bilang Philippine Hall of Fame.
Si Balinas ay isang abogado sa pamamagitan ng propesyon, at isang award winning na manunulat ng chess at mamamahayag.
Nakamit ni Balinas ang kanyang pinakamalaking tagumpay sa 1976 Odessa International Tournament, na nanalo na may 10–4 na marka. Si Balinas ay hindi natalo laban sa lahat ng mga kalaban ng Sobyet, at isang puntos sa unahan ni Lev Alburt, at dating kampeon ng Sobyet na si Vladimir Savon.
Ang kaganapan, na itinataguyod ng pamilya GM Balinas sa malapit na pakikipagtulungan sa Robinsons Galleria, AIM Mark John Centillo, Biyaherong Arbiter, Coach NM Gerald Ferriol, GMG, WNM Kathryn Ann Cruz-Hardegen, Mam Jennifer Cruz, Chess Lovers at Kaizen Knights Chess Club, ay nag-aalok kabuuang pot prize na P25,000 kung saan ang kampeon ay nakakuha ng lion share na P5,000.
Ang registration fee ng tournament ay P500. Ipadala ang iyong bayad sa gcash number: 09613396015 (Jolina Icao).-Marlon Bernardino-