Atty. Elpidio Bautista Jr. National Executive Chess: Lahat nakatutok kay National Master Zulfikar Aliakbar Sali

Atty. Elpidio Bautista Jr. National Executive Chess: Lahat nakatutok kay National Master Zulfikar Aliakbar Sali

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

ni Marlon Bernardino
MAYNILA---Ang dagdag na atraksyon ay ang paglahok ni National Master Zulfikar Aliakbar Sali na muli niyang ipapamalas ang kanyang husay kontra sa mga nangungunang woodpusher ng bansa sa pagulak ng Atty. Elpidio Bautista Jr. Ang National Executive Chess Championship  sa Disyembre 30, 2023, 10am sa Vista Mall, Brgy. Don Jose sa Sta. Rosa City, Laguna.


Muling makikita ng mga local fans si "Master Zul", na kilala sa mundo ng chess hindi sa online platform ngunit nakikipagkumpitensya sa face to face na 64 square board.
Si "Master Zul" na maraming beses na naging Canadian Chess Champion na Senior Nurse ng Royal Jubilee Hospital sa Victoria, BC Canada at CEO ng Sahaya Dermatology Clinic sa Zamboanga City.
"Ito ay isang malaking pagkakataon para sa mga batang chessers na makita muli ng personal si "Master Zul'' (National Master Zulfikar Aliakbar Sali) at sana ay maging inspirasyon nila ito sa pagpasok sa sports," paliwanag ni Noel Jay "Super B" Estacio sa participation ni "Master Zul''.


Kalahok din si TV actor Jao Mapa at engr. Bren Sasot na pamangkin naman ni National Master Allan Sasot.
Ipapatupad ang 7 round Swiss system na format na may 20 minutes at 5 seconds delay bawat manlalaro.
Inorganisa ng Rotary Club of Nuvali & Philippine Executive Chess Association at pinahintulutan ng National Chess Federation of the Philippines, ang kaganapan ay itinataguyod nina Atty at Mrs. Elpidio R. Bautista Jr. at ng kanilang Pamilya.
Ang Executive champion ay kikita ng P20,000. Makakakuha ang second placer ng P10,000, third P7,000, fourth P5,000 at fifth P3,000. Ang ikaanim hanggang ika-10 puwesto ay makakatanggap ng tig-P2,000.
Ang pinakamahusay na senior, best lady, best top 1800 and below, best unrated at best Laguna players ay makakatanggap ng tig P2,000 .
Ang registration fee ng tournament ay P1,000. Tumawag o magtext sa 09212728172 para sa kumpletong detalye.-Marlon Bernardino-