Si Agra, Ferrer  nangunguna sa Queen of the North chess championship

Si Agra, Ferrer  nangunguna sa Queen of the North chess championship

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

ni Marlon Bernardino
Laoag City, Ilocos Norte---Si Second seed Jallen Herzchelle Agra ng Claveria, Cagayan at third seed Precious Eve Ferrer ng Lingayen, Pangasinan ay nagtala ng magkahiwalay na panalo nitong Martes, Disyembre 19, upang magsalo sa liderato pagkatapos ng Round 5 ng Queen ng North chess championship na ginanap sa Ilocos Norte National High School gymnasium sa Laoag City, Ilocos Norte.


Tinalo ni Agra ang fourth seed na si Shaniah Francine Tamayo ng Laoag City, Ilocos Norte habang pinatalsik ni Ferrer si 12th seed Elizsa Gayle Cafirma ng Bacarra, Ilocos Norte upang makalikom ng tig-4.5 puntos.
Ang magkapares ng mga resulta ay nagpapanatili kina Agra at Ferrer sa pagtutok sa titulo kung saan ang magkakampeon ay makakapagbulsa ng P60,000, sa kagandahang-loob nina Mayor Michael Marcos Keon at Chairman ng 102nd Homecoming UP Vanguard Incorporated (UPVI) Aldwin Galapon.
“Sana mahawakan ko ‘yung momentum ko,” sabi ni Agra na tabla kay Ferrer sa Tuesday's fourth round morning session.
Samantala, sina top seed Woman National Master Mhage Gerriahlou Sebastian ng Flora, Apayao at 25th seed Shantelle Marie Root ng Laoag City, Ilocos Norte ay nasa chase pack na may tig-4.0 puntos, kalahating puntos sa likod ng mga lider sa isang linggong standard event, na kung saan ay suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), Pag-Ibig Fund at Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor).
Tinalo ni Sebastian si 24th seed Rachelle Joy Pascua ng Bacarra,, Ilocos Norte habang pinasuko ni Root si 20th seed Kimberly Gumallaoi ng Bacarra, Ilocos Norte.
Ang tournament director ay si International Master Ronald Bancod habang ang Chief Arbiter ay si International Arbiter Ricky Navalta.-Marlon Bernardino-
.