Chess tourney sa Sual, Pangasinan ngayong Sabado

Chess tourney sa Sual, Pangasinan ngayong Sabado

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

ni Marlon Bernardino
Tutulak na ang Sual Open Chess Tournament ngayon Sabado, Disyembre 23 sa Kucina Karena Grill and Restobar sa Sual, Pangasinan.
Ipapatupad ang 7 Swiss system format ayon kay Woodpushers Chess Club-Sual Inc. president Beneric Ronas.


Ang magkakampeon ay tatangap ng P15,000. Makakakuha ang second placer ng P10,000, third P5,000, fourth P3,000 at fifth P2,000 habang ang sixth hanggang tenth ay tatanggap ng P1,000 .
Ang pinakamahusay na babae, pinakamahusay na senior, pinakamahusay na PWD at pinakamahusay na manlalaro ng Sual ay makakatanggap ng tig-P1,000.
Para sa Junior at Senior High school category, ang kampeon ay tatanggap ng P3,000, ang pangalawa ay makakakuha ng P2,000, ang ikatlo ay makakakuha ng P1,000 at ang ikaapat hanggang ikalima ay kikita din ng P500 bawat isa.
Para sa kategoryang Elementarya, ang kampeon ay mag-uuwi ng P3,000, ang pangalawa ay makakakuha ng P2,000, ang ikatlo ay makakakuha ng P1,000 at ang ikaapat hanggang ikalima ay kikita din ng tig-P500.
Tumawag o mag-text sa mobile number: 09276627837 para sa kumpletong detalye.-Marlon Bernardino-