Quizon, Amilal magkasalo sa liderato matapos ang Round 5 ng Malaysia chess meet

Quizon, Amilal magkasalo sa liderato matapos ang Round 5 ng Malaysia chess meet

Quizon, Amilal magkasalo sa liderato matapos ang Round 5 ng Malaysia chess meet

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
MANILA---Nagtala ng magkahiwalay an  panalo sina International Master Daniel Quizon ng Pilipinas at FIDE Master Munkhdalai Amilal ng Mongolia para magkasalo sa liderato matapos ang Round 5 ng Eastern Asia Juniors and Girls Chess Championship 2023 - Open division na ginanap sa Sabah Oriental Hotel sa Kota Kinabalu, Sabah, Malaysia noong Martes, Disyembre 5.

Miyembro ng star-studded DasmariƱas Chess Academy, tinalo ni Quizon ang stablemate na si FIDE Master Christian Gian Karlo Arca ng Pilipinas.
Samantala, panalo naman si Amilal kay International Master Michael Concio Jr. ng Pilipinas.
Sina Quizon at Amilal ay magkasama sa pangunguna sa tig-4.5 puntos habang bumubuntot naman ang nanalo din si National Master Jan Clifford Labog ng Pilipinas.
Tinalo ni Labog ang kababayang National Master Ivan Travis Cu ng Pilipinas upang iangat ang kanyang kabuuang 4.0 puntos at umakyat sa solo third.
Pinatalsik ng magkapatid na Romualdez sina NM Davin Sean at CM Danry Seth ng Pilipinas ang kani-kanilang karibal.
Dinurog ni Davin Sean si Muhd Tirmidzi Abdul Sahim ng Malaysia habang dinaig ng 8-anyos na si Danry Seth si Muhd. Danish Zaqwan Muhd. Hadi ng Brunei.
Sa Girls section, tinalo ni Woman Fide Master Diajeng Theresa Singgih ng Indonesia si Woman National Master Ruelle Canino ng Pilipinas para umiskor ng 4.5 puntos at makuha ang solo leadership board, kalahating puntos ang angat sa sumesegundang si Woman Candidate Master Chua Jia-Tien ng Malaysia na nakakuha ng 4.0 puntos . Tinalo ni Chua si Woman Fide Master Boldbaatar Altantuya ng Mongolia.
Tabla naman ang laro ni National Master Ma. Elayza Villa ng Pilipinas kay Darwisyah Insyirah Nureen ng Malaysia para mapantayan ang iskor  ni Canino na napako sa 3.0 points.-Marlon Bernardino-