Pasig at Toledo mag sa sagupaan sa PCAP finals

Pasig at Toledo mag sa sagupaan sa PCAP finals

Pasig at Toledo mag sa sagupaan sa PCAP finals

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
ni Marlon Bernardino
MANILA---Magtatagisan ng talino ang Pasig City King Pirates at Toledo-Xignex Trojans para sa kampeonato ng Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) online chess tournament sa darating na Sabado.
Pinabagsak ng Pasig ang San Juan Predators, 11 - 10, at 14.5 -6.5, sa dalawang set, habang tinanggal ng Toledo (Cebu) ang Iloilo Kisela Knights, 10.5 - 10.5, 13.5 -7.5, at 2-1 sa Armageddon  na ginanap noong Miyerkules ng gabi sa Chess.com Platform para ayusin ang titular showdown.

Nakuha ng Pasig City King Pirates ang kalamangan sa San Juan Predators, 4-3, sa blitz at na puwersa sa 7-all stand off sa rapid play sa una sa dalawang Northern Division match.
Tinalo ni GM Mark Paragua si IM Jan Emmanuel Garcia, pinatalsik ni IM Eric Labog Jr. si Narquingel Reyes, at pinabagsak ni Jerome Villanueva si FM Narquinden Reyes para sa tatlong panalo sa blitz ng Coach Franco Camillo-mentored Pasigueños at draw ni WNM Rowelyn Acedo laban kay WIM Jan Jodilyn Fronda at darw din ni IM Cris Ramayrat laban kay IM Ricardo de Guzman.
Pinatumba naman ni NM Karl Victor Ochoa si GM Gombosuren Munkhgal at panalo si IM Paulo Bersamina kay Kevin Arquero para sa San Juan.
Ang ikalawang set ay  tabla 3.5-3.5 lahat sa blitz. Gayunpaman, giniba ng Pasig ang San Juan sa rapid play, 11-3.

Tinalo ni Munkhgal si Garcia, tinalo ni WFM Sherily Cua si Fronda, tinalo ni Ramayrat si GM Victor Moskalenko, namayani si Labog kay Bersamina, pinasuko ni Arquero si Narquingel Reyes at wagi si Villanueva laban kay FM Narquinden Reyes. Tinalo ni Ochoa si Paragua para sa full point ng San Juan.
Sa pagtatapos, ang Pasig ay umabante sa finals.

"It was a tough match," ani Pasig City King Pirates Coach Franco Camillo.
“Masaya kami na magkaroon ng magandang laro laban sa San Juan Predators,” dagdag ni Coach Camillo.
Sa south naman, may 10.5-10.5 stand off ang Toledo at Iloilo sa unang set. Ngunit tinalo ng Toledo ang Iloilo, 13.5 -7.5, sa ikalawang set at sinundan muli ng malapit, 2-1, sa Armageddon tie breaker, pabor sa Toledo-Xignex Trojans.
Sa Sabado, Disyembre 9 ang finals ng PCAP at ang labanan para sa ikatlong puwesto sa pagitan ng San Juan at Iloilo.
Ang PCAP, ang unang play-for-pay na liga sa bansa, ay pinamumunuan ni PCAP President Atty. Paul Elauria, chairman Michael Angelo Ong Chua, PCAP treasurer Atty. Arnel Batungbakal at Technical Committee chairman Engr. Jojo Buenaventura at itinaguyod ng San Miguel Corporation, Ayala Land, Buenaviel at PCWorx at sanction ng Games and Amusement Board (GAB), sa pamumuno ni Chairman Atty. Richard Clarin.-Marlon Bernardino-