GM Joey Antonio nanguna sa Kamatyas international chess tourney

GM Joey Antonio nanguna sa Kamatyas international chess tourney

GM Joey Antonio nanguna sa Kamatyas international chess tourney

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus


ni Marlon Bernardino
MANILA, Philippines – Sisikapin ni Grandmaster Rogelio "Joey" Antonio Jr.. na tuparin ang kanyang reputasyon bilang chess ironman ng bansa sa kanyang pangunguna sa mahigpit na larangan ng manlalaro sa Kamatyas Invitational GM Tourney 11th edition na gaganapin sa Disyembre 9 hanggang 17 sa Pande Amerikana, Grandmaster Eugene Torre Museum sa General Ordóñez Street, Concepcion Dos, Marikina City.


"Ready for the Kamatyas tournament this December 9. Ready na ako. I'm going try to win this competition." sabi ng 13-time Philippine Open Champion na si Antonio.
Si International Master Joel Banawa, na nanguna sa Isabela Chess Club Inc. 1st FIDE Rated Chess Tournament noong Enero sa Alicia, Isabela, ay isa rin sa mga dapat abangan kasama sina IM Michael Concio Jr., IM Daniel Quizon, IM Paulo Bersamina at IM Emmanuel Garcia .
Sasabak din sa bakbakan sina GM Susanto Megaranto ng Indonesia, GM Tran Tuan Minh ng Vietnam, GM Wei Ming Kevin Goh ng Singapore at WIM Miaoyi Lu ng China.
Ang kampeon sa FIDE Standard tournament na pinagsamang inorganisa nina International Master Roderick Nava at National Master David Almirol ng Kamatyas Chess Club ay tatanggap ng $4,000 habang ang second placer hanggang fifth placer ay magkakaroon ng $2,000, $1,000, $800 at $700. Ang ikaanim hanggang ika-10 puwesto ay makakatanggap ng $500 bawat isa.-Marlon Bernardino-