Pinalawig ng Cavite ang winning streak sa PCAP online tournament

Pinalawig ng Cavite ang winning streak sa PCAP online tournament

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
ni Marlon Bernardino
Ipinagpatuloy ng Cavite Spartans ang kanilang momentum matapos palawigin ang kanilang winning streak sa walong panalo sa Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) online tournament na gaganapin sa Chess.com Platform noong Sabado, Nobyembre 4.

Kasalukuyan silang may 13-3 win-loss record sa Northern Division standings kasunod ng 11.5-9.5 na panalo sa koponan ng Toledo-Xignex Trojans at 17.5-3.5 na tagumpay laban sa Iloilo Kisela Knights.
Nangunguna pa rin ang Pasig City King Pirates na may 16-0 slate kasunod ng 16.5-4.5 panalo laban sa NegOr SAGAR Sports at 17-4 demolisyon laban sa Davao Durianburg Stallions.

Napanatili naman ng San Juan Predators (14-2), ang kanilang number 2 position na may 18.5 -2.5 na panalo laban sa RCM Cebu Niños at 19-2 panalo laban sa NegOr SAGAR Sports.
Matapos matalo sa blitz game laban sa Toledo-Xignex Trojans, 5.5-1.5, nakabangon ang Cavite Spartans sa rapid event, 10-4, sa buong puntos na kinamada nina GM Aleksey Sorokin (Board 1), FM Carlos Edgardo Garma (Board 4), Alexis Emil Maribao (Board 6) at Kevin Mirano (Board 7) at sa draw nina GM Rogelio "Joey" Antonio Jr. (Board 2) at WIM Bernadette Galas (Board 3).

"It was a good pair of victories for us. We just have to keep our team at the upper part of the Northern Division standings," sabi ni Antonio na tabla kay FM David Elorta ng Toledo sa blitz game.
“We had a tough time against Toledo in the blitz but good thing we were able to recover in the rapid game,” sambit naman ni Michael Metrio na ginulat si IM Rico Mascarinas ng Toledo sa blitz portion.
Laban sa Iloilo sa rapid event, nagsanib-puwersa sina Sorokin, NM Rommel Ganzon, Galas, Antonio, AGM Voltaire Marc Paraguya, Mirano at Maribao na tinalo sina NM Rolly Parondo Jr, NM Fritz Bryan Porras, Jovelyn Sepaton, NM Cesar Mariano, Mark Jossel  Mariano, Horizon Villanueva at NM John Michael Silvederio, ayon sa pagkakasunod.
Nauna rito, nagkaayos ang Cavite at Iloilo sa 3.5-3.5 sa blitz category.

Ang PCAP, ang unang play-for-pay na liga sa bansa, ay pinamumunuan ni PCAP President Atty. Paul Elauria, chairman Michael Angelo Ong Chua,  PCAP treasurer Atty. Arnel Batungbakal at Technical Committee chairman Engr. Jojo Buenaventura at itinaguyod ng San Miguel Corporation, Ayala Land, Buenaviel at PCWorx at sanction ng Games and Amusement Board (GAB), sa pamumuno ni Chairman Atty. Richard Clarin.-Marlon Bernardino-