Si IM Joel Banawa ay sasabak sa 10th edition ng Kamatyas FIDE rated invitational rapid chess tournament sa Isabela

Si IM Joel Banawa ay sasabak sa 10th edition ng Kamatyas FIDE rated invitational rapid chess tournament sa Isabela

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

ni Marlon Bernardino

MANILA---Makikipagtagisan ng talino si International Master (IM) Joel Banawa sa pagtulak ng ika-10 edisyon ng Kamatyas FIDE rated invitational rapid chess tournament na tinaguriang "David's Gambit" na gaganapin sa Setyembre 23 at 24 sa FL Dy Coliseum, Rizal Avenue sa Cauayan City, Isabela.


Layunin ni IM Banawa na itaas ang kanyang rapid rating na 2378 sa mahigit 2400 ngayong taon.


"I hope to do well in this 2-day Kamatyas FIDE rated invitational rapid chess tournament in Cauayan City, Isabela and gain some elo rating points," sabi ng residente ng Alicia, Isabela na si IM Banawa.
Ang dalawang araw na National Chess Federation of the Philippines (NCFP) sanctioned tournament, na pinangangasiwaan ng Philippine Arbiters Chess Confederation (PACC) ay punong abala sina International Master Roderick Nava at National Master David Almirol na kapwa co-founding head ng pag-organisa ng Kamatyas Chess Club.


“The goal of the event is to help our young chess players here in Isabela in particular, and also in the Philippines in general. We want them to become globally competitive not just in this sport but also in their daily lives,”sabi ni IM Nava.
Ang 15 minutes plus 5 seconds increment time control format ay mag-aalok ng P30,000, P10,000, P7,000, P5,000 para sa first, second, third at fourth placers habang ang fifth hanggang 10th placers ay tatanggap ng P2,000 bawat isa.
Ang 11th hanggang 20th placers ay kikita ng P1,000 bawat isa habang ang 21st hanggang 30th placers ay tatanggap ng P500 bawat isa.


P2,000 bawat isa ang naghihintay para sa mga mananalo sa kategorya tulad ng top Non-Master, top Isabela, top Cauayan, top Senior, top Junior, top kiddies at top Lady.
Matatandaang nagkampeon si IM Banawa sa Isabela Chess Club Inc. 1st FIDE Rated Chess Tournament noong Enero 10 na ginanap sa Alicia, Isabela.


Ang tagumpay ay nagtulak sa tally ni Banawa sa 6.0 puntos para sa tropeo ng nagwagi at ang premyo ng kampeon na nagkakahalaga ng P15,000 na iginawad ni Alicia Mayor Atty. Joel Amos P. Alejandro.-Marlon Bernardino-