Boy Wonder sasabak sa 2023 NCFP Philippine National Amateur Final Leg Chess Championship

Boy Wonder sasabak sa 2023 NCFP Philippine National Amateur Final Leg Chess Championship

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Ni Marlon Bernardino
MANILA--- Boy Wonder Si Hans Lee Villorente, isang batang manlalaro ng chess mula sa Antique ay nakatakdang lumaban sa 2023 NCFP Philippine National Amateur Final Leg Chess Championship na gaganapin sa Setyembre 9-10, 2023 sa pamamagitan ng Tornelo Platform.


Ang 9 Rounds Swiss System ay may kontrol sa oras na 10 minuto na may 5 segundong pagtaas at ito ay i-sponsor ng NCFP Legal Counsel na si Atty. Nikki De Vega.
Ang 13-anyos na si Villorente, isang Grade 8 student ng Regional Science High School para sa Rehiyon 6 (Old Buswang, Kalibo, Aklan) ay sasabak sa isang labanan ng taktika at diskarte laban sa mga nangungunang chess campaigners sa bansa.


Nagsimulang matutunan ni Villorente ang mga simulain ng chess sa edad na 4 at naglaro sa maraming chess tournaments, kabilang ang 2022 Batang Pinoy Games kung saan nanalo siya ng silver medal sa standard chess event.
Ang pinakahuling tournament niya ay ang 2nd AQ Prime FIDE Standard Chess Open Tournament na ginanap noong Agosto 19-21 sa Robinsons Metro East Level 3 sa Pasig City.
Nagtapos si Villorente na may 3.5 puntos sa pitong outings.


Umiskor si Villorente ng mga tagumpay laban kina Nathan Jon Anarna sa unang round, Paul Matthew Llanillo sa ikaapat na round at Sean Justine Alano sa ikapito at huling round.
Nakipag-draw siya kay Daren dela Cruz sa 3rd round.


Natalo siya kay Natasja Jasmine Balabbo sa second round, Yuri Lei Paraguya sa fifth round at Chessica Fiona Sadey sa sixth round.

"Marami ako natutunan sa 2nd AQ Prime FIDE Standard Chess Open Tournament na ginanap last month sa Robinsons Metro East," ani Villorente.

"This time ay excited na ako sa paglahok sa online event ng 2023 NCFP Philippine National Amateur Final Leg Chess Championship sa Sept. 9 to 10 na gaganapin sa Tornelo Platform at ibibigay ko lahat ng makakaya ko,"dagdag pa ng batang Villorente.

Nagpasalamat din ang bata at promising na manlalaro ng chess sa kanyang mga magulang sa kanilang suporta.

"Nagpapasalamat ako kina Tatay at Nanay na lagi nasa tabi ko at sinusuportahan ang paglalaro ko ng chess," huling salita ng batang Villorente.

"Narito lang kami ng Nanay mo na lagi nakasubaybay at full support sa paglalaro mo ng chess," sabi ng kanyang ama na si Jerome Villorente, isa sa mga mahilig sa chess sa Antique.-Marlon Bernardino-