Kayla Jane Langue nagreyna sa Para Chess sa Women Sports

Kayla Jane Langue nagreyna sa Para Chess sa Women Sports

Kayla Jane Langue nagreyna sa Para Chess sa Women Sports

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Ni Marlon Bernardino
MANILA---Nagkampeon si Kayla Jane Langue sa katatapos na Philippine Sports Commission (PSC) at Pilipinas Para Games-backed chess tournament na tinaguriang Para Chess sa Women Sports na ginanap sa Athlete's Dining Hall ng PhilSports Complex sa Pasig City noong Sabado, Hulyo 15, 2023.


Ang 20 taong gulang na naka base sa Las Pinas City na si Langue na tubong Agusan del Norte ay winalis ang double round robin format sa pamamagitan ng pag-iskor ng kabuuang 4.0 puntos laban sa dalawa pang contenders sa Visually Impaired-B1 category.


Dalawang beses niyang tinalo ang 23 taong gulang na si Abigail Magno ng Las Pinas City at 45 taong gulang na si Yolanda Pespes ng Baguio City.
Si Magno ay tumapos sa ikalawang puwesto habang si Pespes naman ay nalagay sa ikatlong puwesto.


Ang nangungunang tatlong nagwagi sa Visually Impaired-B2 ay sina Alille Magno (ginto), Phoebe Kayna Asis (pilak) at Angel Jerryl Suhillo (tanso).
Sa Physically Impaired National Athletes ay naamit ni Atty. Cheyzer Mendoza ang ginto habang ibinulsa ni Cheryl Angot ang pilak para sa kanyang ikalawang puwesto habang si Aime Dumagpi ay nanalo ng bronze medal para sa kanyang ikatlong puwesto.
Ang torneo ay inorganisa nina PSC commissioners Olivia "Bong" Coo at Walter Torres sa pakikipagtulungan nina Philippine Paralympic Committee president Michael Barredo, National Council on Disability Affairs executive director Joniro Fradejas, Philippine para chess team coach National Master James Infiesto, International Arbiter Patrick Lee , G. Alex Dinoy at Bb. Rowena Bautista.-Marlon Bernardino-