Fil-Am Michael Ocido bida sa U.S. chess tourney

Fil-Am Michael Ocido bida sa U.S. chess tourney

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Ni Marlon Bernardino
MANILA---Nangibabaw si Filipino-American Michael Ocido kontra sa 165 pang manlalaro sa 7-Round Swiss format para makisalo sa unahang puwesto para sa 2023 Las Vegas International Chess Festival Under -2300 category na ginanap kamakailan sa Rio All-Suite Hotel and Casino sa Las Vegas , Nevada, USA.


Si Ocido, na mula sa Queens, New York, ay nag-uwi ng cash na premyong $4,500 matapos makaiskor ng 6.5 puntos sa pitong round.
Nakakuha rin si Isaac Martinez ng katulad na 6.5 puntos para makatanggap ng $4,500.


Si Anton Barash ay pumangatlo na may 6.0 puntos para sa S1,500 para sa kanyang mga pagsisikap.


Ang torneo ay inorganisa ng Las Vegas Chess Festival sa ilalim ng direksyon ni FIDE Trainer at International Arbiter Allan Lossof.
Ang 32-anyos na si Ocido ay nagsabi na ang mga kalaban na kanyang kinaharap ay lubos na mapagkumpitensya, lalo na sa pagpasok ng maraming mga bata at hindi kilalang manlalaro.
“Ngunit sa kaunting swerte, nanaig pa rin ang karanasan ko sa mga larong [naglaro] ko,” sabi ni Ocido, isang Bachelor of Science in Hospitality Management Graduate Student sa West Negros sa Bacolod City, Negros Occidental.
Si Ocido, na nagmula sa Victorias City, Negros Occidental ay umiskor ng mga tagumpay laban kina Nicholas Chrysanthou (Round 1), Kevin Fong (Round 2), Armen Andranigian (Round 3), Cole A Rice (Round 4), Ali Mirafzali (Round 5), at Woman Fide Master Sophie Morris-Suzuki (Round 6). Nag draw si Ocido kay Barash sa huling round.


Sinabi ni National Master Tony Aguirre na malamang na sasali si Ocido sa National Congress sa Philadelphia, Pennsylvania sa Nobyembre at sa North American Open sa Las Vegas, Nevada sa Disyembre.
Si Ocido ay kilala sa Filipino chess circles sa tri-state area para sa kanyang agresibong istilo ng paglalaro sa chess, na pinupunan niya ng mahusay na sacrificial instincts.
Ang iba pang mga tagumpay sa chess ni Ocido na ang International chess campaign na suportado nina NM Aguirre, Fide Instructor Dari Castro at US based GM Richard Bitoon ng StarWizard Chess ay ang 2015 Johor Challengers Champion sa Malaysia, 2015 Negros Closed Champion, Champion ng Several Open tournaments sa Negros, 2018 HD Bank Challengers Champion sa Vietnam, 2019 Under 2200 category Marshall Chess Club Champion sa New York at 2019 Under 2200 category Washington International Champion.-Marlon Bernardino-


Makikita sa larawan mula sa kaliwa National Master Tony Aguirre, Filipino-American Chess Champion Michael Ocido at Fide Instructor Dari Castro
Makikita sa larawan sina Filipino-American Chess Champion Michael Ocido at National Master Tony Aguirre