Ex-De La Salle coach naghari sa US chess tourney

Ex-De La Salle coach naghari sa US chess tourney

Ex-De La Salle coach naghari sa US chess tourney

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

by Marlon Bernardino
MANILA---Tinalo ni Filipino John Renan Lumbera si American John Vandenberg, 1.5-0.5, para magkampeon sa Ontario Chess Group Battle of the Champions na ginanap sa Ontario Chess Club sa Ontario, California nitong Linggo, Marso 12.


Si Lumbera na isang Learning Ambassador sa Amazon LGB5 sa Orange Show Road sa San Bernardino, California ay maganda ang nilaro sa kabuuan ng Finals.
“It was a nerve-wracking and intense battle with Vanderberg. I just lucky at the end," sabi ng 38 year old Lumbera na tubong Tiaong, Quezon na kinatawan ang kanyang lugar na San Bernardino, California.
Binuksan ng Filipino champion ang kanyang kampanya sa pakikipaghatian ng puntos kina Rey Faminiano at Vandenberg bago talunin sina Ronnie Arbis at Greg Umali, ayon sa pagkakasunod sa 4 rounds (Standard) Swiss 45 minutes plus 10 seconds delay time control format.


Sina Lumbera at Vandenberg ay tumapos ng tig 3.0 points para makapuwersa ng titular showdown sa nasabing event. Ang bawat manlalaro na kumatawan sa city of South California kung saan si Mr. Jim Borja ang nagsilbing chairman habang si Mr. Arturo Baula ang umaktong tournament director.
Si Mr.Lumbera ay dating Athletic Sports Supervisor at Chess Coach sa De La Salle Lipa. Nagkampeon din siya sa 2019 Pasadena Chess Club Under 1800 category, 2020 Temecula Chess Club Open Chess Championship at 2021 LCC/USA chess tournament.-Marlon Bernardino-