Cutiyog nakatutok ang layunin sa mas mataas na level

Cutiyog nakatutok ang layunin sa mas mataas na level

Cutiyog nakatutok ang layunin sa mas mataas na level

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

by Marlon Bernardino
MATAPOS ang matagumpay na kampanya ay nakatutok ang layunin ni Jirah Floravie Cutiyog sa mas mataas na level na mapasama sa 21st ASEAN+ Age Group Chess Championships 2023 na tutulak sa Hunyo 17 hanggang 27 na gaganapin sa Asia Hotel sa Bangkok, Thailand.


"I hope to do well in the National Finals set next month in Dipolog City, " sabi ni Cutiyog na Grade 8 pupil ng Bethel Academy.
Tumapos ang General Trias City bet na may malinis na kartada na may naipong 5.5 points mula sa four victories at three draws para masikwat ang runner-up place sa katatapos na U-14 Girls division ng Vice Governor Athena Bryana D. Tolentino National Age Group Chess Championships Eliminations na ginanap sa Tagaytay International Convention Center nitong Linggo, Marso 5.
Si Cutiyog kasama ang 79 pang qualifiers ay masisilayan sa grand finals sa Abril 2 hanggang 10 na gaganapin sa Dipolog City, Zamboanga del Norte.
Ang magwawagi sa grand finals ang kakatawan sa bansa sa nalalapit na  21st ASEAN+ Age Group Chess Championships 2023.-Marlon Bernardino-