Marticio nakopo ang solong liderato sa National Age Group Chess Championships

Marticio nakopo ang solong liderato sa National Age Group Chess Championships

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

by Marlon Bernardino
TAGAYTAY CITY---Nagtala ng magkasunod na panalo si Jersey Marticio ng Cabuyao City, Laguna para makopo ang solong liderato matapos ang Round 3 ng 3rd round Vice Governor Athena Bryana D. Tolentino National Age Group Chess Championships Eliminations U16 Girls na ginanap sa Tagaytay International Convention Center Sabado dito.


Ang 15 year old Marticio na Grade 10 pupil ng Pulo National High School ay giniba si Kayla Lorraine Aurelio ng Valenzuela City tungo sa 3.0 points.
Nanatili malinis ang kartada ni Marticio sa tough tournament na nilahukan ng 360 young woodpushers, ang cream of crop of young chessers na nang galing pa sa iba't ibang dako ng bansa.
Ang 3 day activity ay hosted ang province of Cavite at Tagaytay City sa collaboration sa Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission under  auspices ng National Chess Federation of the Philippines sa gabay ni Chairman at President Congressman Prospero "Butch"Arreza Pichay Jr.
Unang dinaig ni Marticio si Geraldine Mae Camarines ng General Trias City, Cavite sa Round 2 nitong Biyernes.
Nanalo muna si Woman National Master Antonella Berthe "Tonelle" Racasa ng Mandaluyong City kontra kay Yaneah Sofia Morada ng  Tuguegarao City, Cagayan sa Round 2 kasunod ng tabla kay Maryss Annxeniel Caldoza ng Imus City, Cavite para manguna sa grupo ng 2.5 pointers na kinabibilangan nina Caldoza, Sara Dalagan ng Tagoloan, Misamis Oriental at Shaniah Francine Tamayo ng City of San Jose Del Monte, Bulacan.
Pinayuko ni Dalagan si Kate Nicole Ordizo sa Round 2 kasunod ng tabla kay Tamayo sa Round 3. Habang nagwagi naman si Tamayo kontra kay Jewel Mae Aguilar sa Round 2.-Marlon Bernardino-