Invitational Chess Tourney sa Gapo

Invitational Chess Tourney sa Gapo

Invitational Chess Tourney sa Gapo

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

by Marlon Bernardino
MANILA---Tutulak na ang engr. Donato "Gerry" Gamaro Invitational Chess Tournament ngayong weekend sa Olongapo Rizal Triangle Park sa Olongapo City.
Ang Queens, New York based na si Gamaro ay gumawa ng ingay sa US chess circuit matapos magkampeon sa Under 1600 division sa 14th annual Foxwoods Open International Chess Championship na ginanap sa Foxwoods Resort Casino & Hotel sa Connecticut, USA nitong Abril 17, 2022.


Suportado ni Gamaro na isa ding golfer ang event ng Mr. John Salcedo ng Olongapo City Triangle Chess Club na tampok ang dalawang divisions.
Ang top five winners sa Class A and B division ay mag-uuwi ng tig 1,500php, 1,000php, 500php, 300php at 200php habang tig 200php ang matatangap ng category winners para sa Top Senior, Top High School, Top Elementary, Top Lady at Top College.
Ang top five winners sa Class C and D category ay nakalaan na ang 1,500php, 1,000php, 500php, 300php at P200php.
Ang registration fee ay 100php. -Marlon Bernardino-
Makikita sa larawang ito si Filipino Donato "Gerry" Gamaro (kaliwa) nakatutok sa kanyang next moves kontra sa kanyang opponents.
Nakamasid din si National Master at Engineer Mario Lawsin Rebano.-Marlon Bernardino-