Nolte, Megaranto tabla para mapanatili pagsalo sa liderato sa AQ Prime ASEAN chess championship

Nolte, Megaranto tabla para mapanatili pagsalo sa liderato sa AQ Prime ASEAN chess championship

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

by Marlon Bernardino
MANILA---Nakipaghatian ng puntos si International Master Rolando Nolte ng Pilipinas kontra kay Grandmaster Nguyen Van Huy ng Vietnam habang tabla din si top seed Grandmaster Susanto Megeranto ng Indonesia kontra kay Grandmaster Darwin Laylo ng Pilipinas para magpatuloy na magsalo sa liderato matapos ang five rounds ng AQ Prime ASEAN Chess Championship na ginanap sa Great Eastern Hotel (dating Aberdeen Court), Quezon Avenue sa Quezon City nitong Martes.


Sina Nolte at Megaranto ay kapwa nakalikom ng tig 3.5 points sa 11-round event na inorganisa ni International Master Roderick Nava ng Kamatyas Chess Club na suportado ni AQ Prime Proprietor at President Atty. Aldwin Alegre.


Tabla si Nolte kay Van Huy sa 40 moves ng King's Indian defense habang hati sa puntos si Megaranto kay Laylo sa 13 moves ng Bogo-Indian defense.
Nakatutok si Nolte sa kanyang 2nd GM norm.


Tabla din si GM John Paul Gomez sa kababayang si IM Daniel Quizon sa 29 moves ng King's Indian defense tungo sa 3.0 points para sa four-way tie sa third place kasama sina Laylo, IM Paulo Bersamina ng Pilipinas at IM Li Tian Yeoh ng Malaysia.


Tabla si Bersamina kay FM Prin Laohawirapap ng Thailand at tabla din si Yeoh kay IM Yoseph Theolifus Taher ng Indonesia maging ang laban sa pagitan nina IM Mohamad Ervan ng Indonesia at CM Khuong Duy Dau ng Vietnam.


Kailangan ni Yeoh ang 1 GM Norm para maging 1st Grandmaster ng Malaysia na may 2 GM Norms ng hawak.-Marlon Bernardino-
Makikita sa larawang ito sina Grandmaster Darwin Laylo ng Philippines versus top seed Grandmaster Susanto Megaranto ng Indonesia at Grandmaster Nguyen Van Huy ng Vietnam versus International Master Rolando Nolte ng Philippines. Nasa photo din si Fide Arbiter Rudy Ibanez.