Nolte lider pa din at nakatutok sa GM norm sa AQ Prime ASEAN chess championship tourney

Nolte lider pa din at nakatutok sa GM norm sa AQ Prime ASEAN chess championship tourney

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

by Marlon Bernardino
MANILA---Kinakailangan ni Filipino International Master (IM) Rolando Nolte na maka ipon ng score na 5.5 points sa last 7 games sa pagpapatuloy ng AQ Prime ASEAN Chess Championship sa Quezon City para makopo ang second grand master (GM) norm sa kanyang career.


Si Nolte ay nakatakdang kalabanin si 6th seed Grandmaster Nguyen Van Huy ng Vietnam Martes sa Great Eastern Hotel (formerly Aberdeen Court), Quezon Avenue sa Quezon City.


Si Nolte, seeded 11th sa event ay tabla sa kababayan na si 5th-seeded GM John Paul Gomez matapos ang 14 moves ng  Ruy Lopez Opening sa fourth round nitong Lunes.


Si Nolte ay nakisalo sa first hanggang second places na may 3.0 points mula sa account two wins at two draws sa four  outings, score na naitala din ni top seed Grandmaster Susanto Megaranto ng Indonesia na tinalo si Van Huy matapos ang 67 moves ng Catalan Opening.
" Draw is okay to preserve my energy in the last 7 remaining games," sabi ni Nolte.


Si Nolte na may tangan na ELO rating 2375 ay nakapagtala ng impressive rating performance 2519.
Nakamit ni Nolte ang kanyang first GM norm sa 2008 Kolkata Open sa Kolkata, India. Ang dating University of Manila standout ay naka abot na din sa 2500 mark.
Kumakasa pa din sina GM Darwin Laylo at IM Paulo Bersamina para sa magandang pagtatapos na nakipaghatian sa kani-kanilang foreign foes.
Tabla si Laylo kay IM Li Tian Yeoh ng  Malaysia matapos ang 61 moves ng Petroff defense maging si Bersamina kay IM Yoseph Theolifus Taher ng Indonesia matapos ang 36 moves ng Modern defense.


Nakisalo sila sa 3rd hanggang 6th places sa pag ipon ng tig 2.5 points kasama sina Gomez at Yeoh.
Bida din si IM Daniel Quizon na nakisalo naman sa 7th hanggang 11th places na may 1.5 points na kinabibilangan nina Van Huy, Taher, International Master Mohamad Ervan ng Indonesia at Fide Master Prin Laohawirapap ng Thailand habang si Candidate Master Dau Khuong Duy ng Vietnam ay nasa huling puwesto pa din na may 0.5 point.
Sa iba pang kaganapan sa Round 4 ay tabla si Quizon kay Duy sa 40 moves ng Sicilian defense, habang binigo naman ni Laohawirapap si Ervan sa 64 moves ng Sicilian defense.
Ang magkakampeon sa nasabing event ay may pagkakataon na makakakuha ng IM Title at GM Norm ayon kay International Master Roderick Nava ng Kamatyas Chess Club.
Ang week-long FIDE rated tournament ay suportado ni AQ Prime Proprietor/President Atty. Aldwin Alegre sa pakikipagtulungan ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP), Philippine Sports Commission (PSC),  Philippine Olympic Committee (POC) at ng ASEAN Chess Confederation na inorganisa ng Kamatyas Chess Club.-Marlon Bernardino-
Makikita sa larawang ito si International Master Rolando Nolte na katagisan ng isipan si Grandmaster John Paul Gomez.