“Battle of the Chess Legends”

“Battle of the Chess Legends”

“Battle of the Chess Legends”

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

by Marlon Bernardino
MANILA---Magpapasiklaban sa Tinaguriang “Battle of the Chess Legends” ngayong darating na Linggo, Pebrero 5, 2023, ang mga senior citizen chess players ng Nueva Ecija sa Cabanatuan City Chess Club na pinamumunuan ni Fire Officer Benjamin Bauto at Mr. Joselito Abalos.

Labing-isang (11) mga dating chess champions at isang (1) current kid champion ang maglalaro sa torneo na kinabibilangan nila CM Joselito Marcos, Leonardo Navarro, Eduardo Lacson, Alfredo Agustin, Gilbert “Nonong” Natividad, Rene Garcia, Jhun De Guzman, Ver Paguinto, Ador Cristobal, Ferdie Bugay, Virgilio Sardillo at Millery Gen Subia. Lahat ng kasali ay maguuwi ng kaukulang salapi at medalya at ang top 3 ay makakakuha nang P1500, P1000, P800 at mga tropeo. Libre ang pagsali, pagkain at inumin ng mga kalahok. Ayon kay Arena FIDE Master Gener Subia “Ito ang paraan namin ng pagpapakita ng respeto at pagkilala sa mga kontribusyon ng mga dati naming idolong chess champions.

Gusto naming ipakita sa mga bagong henerasyon ng chess players ang paggalang sa mga nagpasimula ng chess sa Nueva Ecija at masaya ako na nakasali ang anak ko (bilang guest player) para matuto syang humanga at gumalang sa aming mga alamat/legends”. Ang mga sponsors ng torneo ay sila Mr. Kim Wilther Silverio, Police Officer Alfredo Sarmiento Jr, Sir Joe Bactol, Mr. Ralph Manuel Del Rosario, Mr. Darwin Vera, Mr. Willy Eugenio at Fire Officers Anthony Kim Cabacungan at Dominador David Dysangco III. Ang magsisilbing arbiters sa tournament na ito na may 6 rounds swiss at time control na 15 minutes bawat player ay sina Mr. Romeo Togonon at Mr.Joey Cristobal.-Marlon Bernardino-