PH naitala ang ika-3 sunod na panalo sa Serbia, FIDE Chess Olympiad for People with Disabilities

PH naitala ang ika-3 sunod na panalo sa Serbia, FIDE Chess Olympiad for People with Disabilities

PH naitala ang ika-3 sunod na panalo sa Serbia, FIDE Chess Olympiad for People with Disabilities

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

by Marlon Bernardino
MANILA---BINIGO ng Philippine chess team ang Serbia 2 sa iskor na,3.5-0.5, para maitala ang ika-3 sunod na panalo sa FIDE Chess Olympiad for People with Disabilities na ginanap sa Belgrade's Crown Plaza Hotel Miyerkoles sa Belgrade, Serbia.


Maganda ang simula ng Nationals sa kanilang get go of the game tungo sa matamis na pagkapanalo nina Fide Master Sander Severino, National Master James Infiesto at National Master Darry Bernardo.


 Tinalo ni Severino si Mile Bjelanovic matapos ang 44 moves ng Caro Kann defense sa board one, winasiwas ni Infiesto si Luka Bulatovic matapos ang 57 moves ng Bishop Opening sa board three habang binasura ni Bernardo si Vladan Petrovic matapos ang 42 moves ng Caro Kann defense sa board four.
Naka tabla si Stefan Mitrovic kontra kay National Master Henry Roger Lopez matapos ang 42 moves ng Old Indian Defense sa board two para makaiwas sa pagkabokya ang Serbia 2.


"Pag mag all males ang kalaban laro ulit ako. Pag may babae ang kalaban then si Cheyzer ang maglaro." sabi ni playing coach Infiesto.
Tangan ang tatlong panalo na ang katumbas ay sixth match points, ang James Infiesto-mentored Filipinos na suportado ng Philippine Sports Commission ang kanilang kampanya ay may perfect six points gaya ng powerhouses India at Poland.


Pinigil ng India ang Israel, 3-1, habang dinurog ng Poland ang FIDE, 3.5-0.5.
Makakalaban ng Filipinos ang Poland’s team nina GM Marcin Tazbir, FM Marcin Molenda, Pawel Piekielny at Piotr Dukaczewski sa fourth round ng six-round tournament na tampok ang top 26 teams via average rating.-Marlon Bernardino-