Grandmaestro ni GM Joey Antonio bibisita sa Kamatyas

Grandmaestro ni GM Joey Antonio bibisita sa Kamatyas

Grandmaestro ni GM Joey Antonio bibisita sa Kamatyas

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
Tutulak ang Kamatyas FIDE Rated Invitational Rapid Chess Tournament 7th edition na tinampukang Pawn Promotion sa Pebrero 25 sa SM City, Sucat, Paranaque na inorganisa nina IM Roderick Nava at Sir David Almirol ng Kamatyas chess club kung saan ay masisilayan sa TV actor at chess enthusiats Jao Mapa. Susulong din ang AQ Prime International Open chess tournament na suportado ni Atty. Aldwin Alegre.

@@@
Pinayuko ni International Chess Coach Alvin Gayeta Roma si GM Hasingatin ng Russia kamakailan gamit ang French Defence at nagwakas ang laban nila sa Ika dalawamput walong tira lamang.
Patuloy pa rin siya sa ensayo online para tuluy tuloy na idepensa ang bansa sa abot ng kaya niya.
Si coach Alvin ang tinaguriang Anish Giri ng pinas dahil sa angking husay nitong dumipensa.
Samantala kapag walang turo si Coach ay busy siya sa kanyang online business.
Sa mga nais kumita online ay magtungo lamang sa kanyang fb na Alvin Gayeta Roma.
@@@
Lubos ang paghanga ko sa Japan Billiard Champion na si Roel Esquillo na tumutulong sa pagpapalaganap ng billiard event sa pag-oorganisa ng event sa grass roots level.
Matagumpay na nagtapos ang Glory Lumber Year of the Rabbit Handicapped 10 ball tournament na ginanap sa Star Billairds Center sa Grace Village, Quezon City.
Nagkampeon si Alexis Ferrer para sa 60k habang sumegunda naman si Kyle Raymond Amoroto  para sa 40k at tumersera naman si Jordan Legaspi  tungo sa 20K at pasok din sa final four si Raymart Camomot para sa 20k sa event na suportado ng MDC, Glory Lumber at Nishiki Cue Tip. (end it)