PH bet "MJ" Bacojo 2nd sa Hongkong chess tilt

PH bet "MJ" Bacojo 2nd sa Hongkong chess tilt

PH bet "MJ" Bacojo 2nd sa Hongkong chess tilt

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

by Marlon Bernardino
MANILA---Iwinagayway ni National Master Mark Jay "MJ" Daños Bacojo ang Bandila ng Pilipinas matapos mag second place sa Hongkong Bauhinia U-18 Invitational Chess Championships.


Nakalikom si Bacojo ng five wins, one draw at loss sa pagtatapos ng four-day (Dec. 27-30) FIDE standard tournament nitong Biyernes na ginanap sa Regal Oriental Hotel, Kowloon City, Kowloon, Hong Kong.
Namayani ang 16 year old Bacojo na Grade 11 student ng Dasmariñas Integrated Highschool kontra kina  Yen-Hsiu Elliot Wong ng Singapore sa first round,  Jamison Edrich Kao ng Hongkong sa second round, ACM Hungi Yun ng Korea sa third round, Shun Him Leung ng Hongkong sa sixth round at Ayana NicoleUsman ng Pilipinas sa seventh at final round.
Tabla siya kay Isaak Huh ng Korea sa fourth round pero natalo kay Yiheng Li ng Hongkong sa fifth round.
Bagamat natao kay Bacojo sa opening round ay nakamit pa din ni Wong ang titulo kasama ang top purse  15,000 Hongkong dollar , trophy at gold medal matapos magtala ng anim na sunod na panalo.
Nagkasya si Bacojo sa runner-up prize na 7,000 Hongkong dollar kasama ang silver medal.
“We are very happy with the results na 2nd Place si MJ. Sayang kinulang ng kalahating puntos para sa titulo pero overall maganda ang naging performance niya,” sabi ni national coach Fide Master Roel Abelgas na nagpapasalamat kina mayor Jenny Barzaga at rep. Elpidio "Pidi" Barzaga Jr. fsa kanilang pagtulong sa local at international chess tournament.
Mga nakapasok sa top ten ay sina Yun (third), Jiu Yarng Clarance Foo ng Malaysia (fourth), Li (fifth),  Zong Ze Cheah ng Malaysia (sixth), Usman (seventh), Huh (eight), Leong (ninth) at Giuk Han ng Korea (tenth).
Ang isa pang Filipino entry na si AIM Alexandra Sydney Paez ay nasa 16th places.-Marlon Bernardino-