Gomez nakisalo sa liderato kasama 3 pang GMs

Gomez nakisalo sa liderato kasama 3 pang GMs

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

by Marlon Bernardino
MANILA--Nakapuwersa si Filipino Grandmaster John Paul Gomez sa four-way tie matapos maitala ang crucial third-round victory sa MCPL’s Manny Pacquiao International Open Chess Festival sa General Santos Miyerkoles, Dis. 14.


Nakaungos si Gomez kontra kay International Master Michael Concio Jr. sa 56 moves ng Guioco Piano Opening para makisalo sa top spot kina fellow three pointers GMs Hovhannes Gabuzyan ng Armenia, Lucas Van Foreest ng Netherlands at Pier Luigi Basso ng Italy sa event kasabay ng pagdaraos ng ika-44 na kaarawan ni chess patron at boxing legend Manny Pacquiao sa Sabado.


Si Gomez, ang 37-year-old na country’s best scorer at undefeated seven points out of 10 games sa World Chess Olympiad sa Chennai, India sa taong ito ay ipinakita ang kanyang showed vast knowledge sa opening at superb endgame technique para manaig sa 17-year-old Concio.
Sa panalo ng Binan, Laguna native ay napalakas ang kanyang tsansa sa nine-round tournament na may pabuyang P1.14 million sa eventual titlist pinakamalaking premyo sa kasaysayan.
Panalo din si Gabuzyan kay American IM John Daniel Bryant; umibabaw si Van Foreest kay Russian Konstanin Sek; at panalo si Basso kay Filipino IM Kim Steven Yap.
Nakabuntot na may 2.5 points ay pinangunahan ni FIDE Master Alekhine Nouri na binasura si Jeriel Manlimbana.
Sina GM Darwin Laylo, GM Vitaly Sivuk of Sweden, GM Joey Antonio, IM Cris Ramayrat, IM Rolando Nolte at FM Jeth Romy Morado ay magkakasama din sa 2.5 pointers.
Nagpatuloy ang mala Cinderella story ni Panabo City wonder boy at Dasmarinas City, Cavite resident, 13-year-old National Master Christian Gian Karlo Arca matapos manaig kay ninth seed IM Dragos Ceres ng Moldova sa opening round Martes ay sinundan ng magkasunod na tabla kina Ramayrat at IM Chito Garma para umakyat sa huge group ng two points.-Marlon Bernardino-