Pasig ungos sa Negros sa Armageddon sa Wesley So Cup Grand Finals

Pasig ungos sa Negros sa Armageddon sa Wesley So Cup Grand Finals

Pasig ungos sa Negros sa Armageddon sa Wesley So Cup Grand Finals

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

by Marlon Bernardino
MANILA---Nakaungos ang Pasig City King Pirates, ang hari sa Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) Northern Division kontra sa Negros Kingsmen, ang conqueror sa Southern Division sa iskor na 2-1 sa sudden death o Armageddon para makopo ang titulo ng Wesley So Cup Grand Finals Open Conference na ginanap thru online tournament Chess.com Platform nitong Sabado, Dis.10.


Umibabaw ang tambalang GM Oliver Barbosa-GM Mark Paragua sa Armageddon.
Giniba ni Barbosa si Fide Master David Elorta sa Board Two habang dinurog ni Paragua si Fide Master Ellan Asuela sa Board Three para masikwat ng Pasig City King Pirates ang tagumpay sa kanilang three-game playoffs.
Nakaiwas naman ang Negros sa posibleng pagkaboya matapos talunin ni International Master Joel Pimentel kontra si International Master Eric Labog Jr. sa Board One.
Ang nasabing dalawang koponan ay ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya kung saan ang Negros nina National Master Tony Aguirre, Antonio Martin Olendo, Jeanshen Rosalem, Atty. Rodelio Solon at Atty. Marlon Padayhag ay namayagpag sa first match, 11-10, habang ang Pasig nina mayor Vico Sotto, Coach Franco Camillo at Expedito Bolico ang nanguna naman sa second match,11-10, para mapuwersa sa isang Armageddon.
Nag-ambag ng panalo sina Woman International Master Bernadette Galas, Pimentel at Asuela at tabla nina National Master Edmundo Gatus at National Master Edsel Montoya para dominahin ang rapid phase, 8-6, at makopo ng Negros ang tagumpay sa first set.
Una munang nagparamdam ng lakas ang Pasig matapos ungusan ang Negros , 4-3, sa blitz category.
Sa second set ay nanguna naman sina Barbosa, Woman Fide Master Sherily Cua, International Master Chris Ramayrat Jr. at Labog sa pagtala ng importanteng panalo para manaig sa rapid phase, 8-6, at makamit ng Pasig ang panalo na naghatid sa isang Armageddon tie breaker.
Ang Negros  ang namayagpag sa blitz game, 4-3.
Sa battle for third place ay panalo ang Davao  Chess Eagles kontra sa San Juan Predators, 11-10, sa event na inorganisa ng Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) na suportado ng San Miguel Corporation, Ayala Land at ng PCWorx.
Ating magugunita na ang Pasig City King Pirates ay gumawa ng historya sa kasaysayan ng angkinin ang titulo ng 2022 PCAP-GM Wesley So Cup chess team championships nitong Agosto.
Tinalo ng Pirates ang dalawa sa kinikilala na super powers ang two-time champion San Juan Predators at defending champion Iloilo Kisela Knights ayon sa pagkakasunod.-Marlon Bernardino-