Laguna Heroes pasok sa PCAP online chess semis

Laguna Heroes pasok sa PCAP online chess semis

Laguna Heroes pasok sa PCAP online chess semis

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

by Marlon Bernardino
MANILA--Matagumpay na nakapasok ang Laguna Heroes sa Northern Division semifinals ng Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) online chess tournament matapos talunin ng dalawang beses ang Isabela Knights of Alexander sa two-match quarterfinals, 18-3 at 15.5-5.5, na ginanap sa Chess.com Platform nitong Miyerkoles ng gabi.


Umasa ang Laguna Heroes sa magandang nilalaro ng kanilang seasoned veterans woodpushers.
Pinangunahan nina GM Rogelio "Banjo" Barcenilla Jr., FM Roel Abelgas at ACM Michella Concio ang kampanya ng Laguna sa blitz category sa pag ukit ng tatlong puntos na kalamangan,5-2.


Subalit binugbog ng Laguna ang Isabela sa rapid play, 13-1,sa pamamayagpag nina Barcenilla, Abelgas, Concio, IM Angelo Abundo Young, Apollo Agapay at AGM Kimuel Aaron Lorenzo na nagtala ng importanteng panalo habang nag ambag naman si Richie Jocson ng tabla.
Sa second game ay malakas na sinimulan ng Laguna ang pag hataw sa blitz category na nakamit ang kaagahang 4.5-2.5 lead sa first seven playing boards.
Tuluyan ng giniba ng Laguna ang Isabela sa rapid play, 11-3.


Ang Best players sa Laguna ay sina Barcenilla at Abelgas na parehong may perfect game sa pagkamada ng tig 6.0 points.
Ang panalo ng Laguna Heroes sa Isabela Knights of Alexander ay naghatid para sa highly-anticipated northern division semifinals clash kontra sa San Juan Predators na tinalo naman ang Cavite Spartans, 12.5-8.5 at 17-4, sa two games quarterfinals.


Sa iba pang quarterfinals results sa northern division, ay kinaldag ng Pasig King Pirates ang Rizal Batch Towers tungo sa twin sets of scores, 21-1, para makapuwersa ng final four duel sa Manila Indios Bravos na winasiwas naman ang Cagayan Kings, 11-10, at 15-6.
"We were able to improve our results in the quarterfinals against Isabela. Though we had bigger winning margins compared to the eliminations, the matches were still tough and exciting." sabi ni AGM Dr. Fred Paez ng Jolly Smile Dental Clinic at St. Peregrine Dental Clinic,  isa sa apat na co-team owner ng Laguna Heroes na kinabibilangan nina Mr. David Nithyananthan ng KALARO at Greatech Philippines, Inc., Engr. Billy Joe Ereňo ng Costbusters Philippines Corp. at Engr. Benjamin Dy ng SDC Global Choice Foods.
"Against San Juan in the Division Semifinals, it will surely be hard. The team is strong in every board and Coach Hubert, a well-experienced coach, will surely prepare a good game plan. To be able to beat this team, we have to, at least, equalize in the lower boards." dagdag pa ni Dr. Paez na isang magaling na dentista mula sa Cabuyao City.
Sa Southern Division ay namayagpag ang Davao Chess Eagles na tinapos ang mala Cinderella na istorya ng Tacloban Vikings , 16.5-4.5 at 17-4,  sinipa naman ng Toledo Trojans ang Palawan, 14.5-6.5 at 13-8, pinagpag naman ng Iloilo Kisela Knights ang Camarines-Iriga Soaring Eagles 16.5-4.5 at 12.5-8.5, ang pinaka huli ay ang Negros Kingsmen na hindi naman nagka problema sa Surigao Fianchetto Checkmates tungo sa twin scores 16-5.-Marlon Bernardino-
Makikita sa larawan sina Grandmaster Rogelio "Banjo" Barcenilla Jr. at Fide Master Roel Abelgas na nagtala ng perfect game sa quarterfinals