Lady Bulldogs dikit sa top spot

Lady Bulldogs dikit sa top spot

Lady Bulldogs dikit sa top spot

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
Dumikit na ang National University sa top spot matapos pigain ang 2.5-1.5 win laban sa Far Eastern University sa Round 3 ng UAAP Season 85 Women's Chess Championships, Miyerkules sa FEU Diliman Sports Complex.
 
Naitala ng nagdedepensang kampeon ang kabuuang 6.5pts pagkatapos lang ng dalawang laban, kalahating puntos ungos sa likod ng league-leading FEU na mayroong 7pts sa tatlong season matches.
 
Piniga ni Woman International Master Kylen Joy Mordido (Board 2) ang kapwa master na si WNM Bea Mendoza gamit ang puting piyesa sa 44-moves ng English opening habang si Jesca Docena (Board 3) ay umiskor ng upset win laban kay Candidate Master Divine Grace Luna habang sulong ang black, para puwersahin sa 45th moves ng Sicilian Defense.
 
Nalugmok naman si Season 84 Rookie of the Year at MVP na si WFM Allaney Jia Doroy  sa top board matapos magsagawa ng queen sacrifice si Me Ann Joy Baclayon ng FEU sa middle game para sa kumportableng panalo sa endgame ngunit nasalba ni Princess Nicole Ballete ang isang draw sa Board 4 para tiyakin ang ikalawang panalo ng NU sa gayung dami ng laro. 
 
Naglista ang third running  University of 
Sto.  Tomas ng 2-2 draw versus University of the Philippines para iangat ang kanilang kabuuang 6.5 puntos pagkatapos ng tatlong laban.
 
Naitala nina Josemier Jene Panol (Board 2) at Jamaica Marie Lagrio (Board 4) ang panalo para sa Tigers habang nanatiling walang bahid si Justin Macapuno ng UP 
ngayong season para tulungan ang Fighting Maroons  na bumalikwas mula sa cellar at makuha ang ikalimang puwesto na may apat na puntos.
 
Naghatid din ng breakthrough performance ang Ateneo de Manila University sa Round 3, na tinalo ang De La Salle University na may 2.5-1.5 na panalo.
 
Nanatiling pokus naman ang Arena Grandmaster na si Alexis Anne Oseña sa kanyang mahusay na atake ngayong season habang umiskor siya ng isa pang panalo sa Board 3 na sina Kristine Mae Flores (Board 4) at Laila Camel Nadera (Board 2) para maiayos ang  panalo at draw, ayon sa pagkakasunod.
 
Ang Ateneo ay nasa ikaapat na puwesto pagkatapos ng tatlong round na may 5.5 puntos habang ang La Salle ay nahulog sa ikaanim na puwesto (3.5 puntos). (Louis Pangilinan/UAAP).