Tiger Woodpushers tuloy-tuloy ang paglapa! 

Tiger Woodpushers tuloy-tuloy ang paglapa! 

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus
NAGPATULOY ang University of Santo Tomas sa kanilang imakuladang panalo sa UAAP Season 85 Men's Chess Championships matapos ang 3-1 pagbistay sa De La Salle University sa Round 3, Miyerkules sa FEU Diliman Sports Complex.
 
Nanatiling perpekto Si Brylle Gever Vinluan (Board 2)  sa pamamagitan ng 41-move na pagwalwal kay Daniel John Lemi sa bisa ng isang superior endgame position habang gumawa si Antonio Almodal III (Board 4)  ng isang buwenamanong tagumpay  para sa Tiger Woodpushers, nakakuha ng panalo pagkatapos ng 51-move ng Sicilian Defense versus Jester Sistoza.
 
Nagkasya sa draw sina Julius Gonzales at Lee Roi Palma sa Boards 1 at 3, ayon sa pagkakasunod, upang mapanatili ang win streak ng UST.
 
Nairehistro ng UST ang kanilang kabuuang 11 puntos para lider sa liga.
 
Muling naiguhit ng season 84 runner-up na Unibersidad ng Pilipinas ang 2-2 split, sa pagkakataong kontra Ateneo de Manila University para mamentina ang malayong pangalawa sa pitong puntos.
 
Napanatili ni Fide Master Stephen Rome Pangilinan ang kanyang pamatay na porma  at maitala ang kanyang ikatlong panalo sa gayung dami ng laban sa Board 1 habang si Jan Darryl Batula ay umiskor ng  final points sa UP na may panalo sa Board 3.
 
Ang Far Eastern University, sa kabilang banda, ay umiskor ng kanilang unang serye ng panalo ng season matapos na magkasya ng back-to-back draws sa pamamagitan ng 3-1 performance laban sa Adamson University para itabla ang UP sa ikalawang puwesto.
 
Nakuha nina Hans Ezekiel Olorosisimo (Board 1) at Arena International Master Jarvey Labanda (Board 4) ang mga panalo para sa FEU nang ang National Masters na sina John Merill Jacutina (Board 2) at Lorenzo Aaron Cantela (Board 3) ay nagkasya lang sa  draw.
 (Louis Pangilinan/UAAP)