Tiger Woodpushers, NU Bulldogs idedepensa ang korona

Tiger Woodpushers, NU Bulldogs idedepensa ang korona

Tiger Woodpushers, NU Bulldogs idedepensa ang korona

Tiger Woodpushers, NU Bulldogs idedepensa ang korona

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Sisimulan ng University of Santo Tomas at National University ang kanilang pagdepensa sa titulo sa men's at women's divisions sa UAAP Season 85 collegiate chess tournament ngayong weekend sa FEU Diliman Sports Complex.

Puntirya ang kanilang pangsiyam na kampeonato, tataktak ang Tiger Woodpushers laban sa Ateneo, 2 p.m. Sabado, at Adamson University sa kaparehong oras, Linggo.

Matapos mabola ang opening day bye, ang Lady Bulldogs ay may kanilang season opener Linggo kontra Adamson University, 2 p.m.

Ang iba pang men's opening day ties ay ang last season's second placers University of the Philippines vs Adamson University, at Far Eastern University versus La Salle.

Sa season-opening women's ties Sabado, haharapin ng Season 84 runner-up De La Salle ang UST, ang Adamson University ay susulong kontra UP, at Ateneo versus FEU.

Ang sambuwan kompetisyon ay markado din sa pagbabalik ng high school chess makaraan ang tatlong-taong pamamahinga sa Miyerkules.

Bubuksan ng NU ang kanilang kampanya para sa ikatlong sunod na girls' title laban sa UST, 2 p.m., kasabay ng FEU Diliman-Adamson tie.

Ang University of the East, na naipanalo ang kanilang unang boys' title noong 2019, ay wala para maidepensa ang kanilang korona.

Ang boys' opening day fixtures ay sa pagitan ng UST-Ateneo at Adamson-De La Salle Zobel. Ang FEU-Diliman ay naka-draw ng opening day bye.