Schedule ng semifinals:
North — No. 1 Pasig vs. No. 4 Laguna; No. 2 Caloocan vs. No. 3 San Juan.
South — No. 1 Iloilo vs. No. 4. Toledo; No. 2 Negros vs. No. 3 Davao.
PINABAGSAK ng inaugural champion Laguna Heroes, 13-8 at 11-10 kontra sa Manila Indios Bravos para makopo ang semifinals berth sa northern division Wesley So Cup 2022 Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) online chess tournament nitong Miyerkoles na isinagawa virtually sa Chess.com Platform.
"Every match against Manila was tough. We are fortunate for winning in both matches. After losing 5-2 in the 2nd Match of blitz, i told the team to be aggressive in the rapid to prevent armageddon. I appreciate the team for delivering the needed points." sabi ni Arena Grandmaster Dr. Fred Paez ng Jolly Smile Dental Clinic, isa sa apat na co-team owner ng Laguna Heroes na kinabibilangan nina Mr. David Nithyananthan ng KALARO at Greatech Philippines, Inc., Engr. Benjamin Dy ng SDC Global Choice Foods at Engr. Antonio Balinas ng AC Balinas Construction and Steel Works.
Naikamada nina Woman International Master Ummi Fisabilillah, International Master Angelo Young at Richie Jocson ang kinakailangan na panalo sa two game matches para ihatid ang Laguna Heroessa tagumpay kontra sa Manila Indios Bravos sa prestigious team tournament na suportado ni GM Wesley So.
Winasak ni Fisabilillah si Woman National Master Mira Mirano sa 52 moves ng King's Indian attack, lusot si Young kay Dr. Jenny Mayor sa 38 moves ng Nimzo-Indian defense habang dinurog ni Jocson si Candidate Master Alji Cantonjos sa 85 moves ng Scandinavian defense.
Tabla naman si Vince Angelo Medina kontra kay Candidate Master Jhulo Goloran sa 26 moves ng Four Knights game.
Sina Grandmaster Guillermo Vasquez at National Master Rolando Andador ang nagtala ng panalo sa Manila Indios Bravos matapos gibain sina Grandmaster Rogelio "Banjo" Barcenilla Jr. at Fide Master Austin Jacob Literatus, ayon sa pagkakasunod.
Panalo ang Heroes sa Indios Bravos, 9-5, sa second set ng rapid action. Una dito ay namayani muna ang Indios Bravos sa blitz phase, 5-2.
Sa first set ay naikamada ng Laguna ang hard-earned 5-2 lead sa panalo nina Literatus kay Andador, Fisabilillah kay Mirano, Young kay Mayor, Medina kay Goloran at Lorenzo kay Dableo sa first five boards ng blitz action.
Hinampas din ng Laguna ang Manila sa rapid encounter,8-6, sa pamamayagpag nina Literatus kay Candiate Master Jerry Areque, Fisabilillah kay Mirano, Young kay Mayor at Medina kay Goloran.
Naitala ni Fisabilillah ang 6/6 habang sina Young at Medina ay 5/6.
Makakalaban ng Laguna ang Pasig na pinayuko naman ang Rizal, 19-2, at 17.5-3.5.
Sa iba pang semifinal ay ka krus ng landas ng San Juan Predators ang Caloocan Loadmanna Knights.
Binigo ng San Juan ang Cagayan Kings, 12.5-8.5, and 12-9, habang panalo ang Caloocan sa Quezon City Simba's Tribe, 14-7, at 15-6.
Sa Southern Division ay umibabaw ang Iloilo Kisela Knights sa pagbokya sa Tacloban Vikings, 3-0, sa armageddon tie breaker matapos mag tabla, 1-1, sa regulation period (20-1 at 7.5-13.5 ), pinatalsik naman ng Negros Kingsmen ang Camarines-Iriga, 17-4, at 15.5-5.5, diniskaril ng Davao ang Zamboanga Sultans, 14.5 - 6.5, at 13.5-7.5, habang naka lusot ang Toledo City Trojans sa Surigao Fianchetto Checkmates, 13-8, at 11-10.
Gaganapin ang semifinal round sa Sabado (Hulyo 30), habang ang division final sa Miyerkoles (Agosto 3).
Ang magkakampeon sa Northern Division ang haharap sa magwawagi sa Southern Division para sa overall championship sa Agosto 6.-Marlon Bernardino-
Makikita sa larawang ito si International Master Angelo Young