Naipanalo ng Laguna Heroes ang kanilang last elimination match kontra sa Quezon City Simba's Tribe, 12-9, at patungo sa 2022 Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) playoffs bilang no. 4 seed sa Northern division virtually na isinagawa sa Chess.com Platform Miyerkoles ng gabi.
Sariwa pa sa back-to-back na panalo nitong Sabadong gabi sa Isabela, 19-2, at Rizal, 12-9, kung saan tuloy ang pananalasa ng Heroes matapos makaungos sa Simba's Tribe.
"After winning massively in blitz, the team became complacent. As a result, Quezon City immediately took a big lead in the rapid with 4-8 score in 6 boards, I would like to thank FM (Jose EFren) Bagamasbad for showing his mastery in the endgame to win his game against Mr. (Danilo) Ponay. The win saved the Laguna Heroes. " sabi ni Arena Grandmaster Dr. Fred Paez ng Jolly Smile Dental Clinic, isa sa apat na co-team owner ng Laguna Heroes na kinabibilangan nina Mr. David Nithyananthan ng KALARO at Greatech Philippines, Inc., Engr. Benjamin Dy ng SDC Global Choice Foods at Engr. Antonio Balinas ng AC Balinas Construction and Steel Works.
“We are happy with wins tonight. All games were exciting until the endgames.” ani pa Dr. Paez.
Nakuha agad ng Laguna ang early lead,6-1, sa first seven playing boards sa blitz game courtesy nina two-time Asian Junior champion Grandmaster Rogelio "Banjo" Barcenilla Jr., Woman National Master Karen Jean Enriquez, Fide Master Jose Efren Bagamasbad, Vince Angelo Medina, Arena Grandmaster Kimuel Aaron Lorenzo at Richie Jocson.
Sa rapid category ay nakabalik ang Quezon City na nakuha ang momentum sa panalo nina National Master Robert Arellano, Ricky Echala, Kristian Paulo Cristobal at Joseph Navarro tungo sa impressive 8-0 record.
Gumanti ang Laguna at nakamit ang lead column sa gabay ng momentum-boosting three-board winning streak nina Fide Master Austin Jacob Literatus, Michella Concio at Bagamasbad.
Bagamat naisubi ng Quezon City's 8-6 wins sa rapid category, ay nakuha pa din ng Heroes ang no.4 spot sa division tungo sa 12-9 victory sa Simba's Tribe.
Salamat sa last board win delivered ni Bagamasbad kontra kay Quezon City Simba's Tribe Playing Team Owner Danilo Ponay.
Tumapos ang Heroes sa kanilang regular season na may 425 points, 21 wins at 13 losses, ahead sa Manila’s 404.5 points sa Northern division.
Napanatili ang Iloilo ang no. 1 team sa conference na may 518 tallied points habang ang Pasig ay nasa second overall na may 500.5 points