MANILA---Papangunahan ni National Master Christian Gian Karlo Tade-Arca ang mga paboritong kalahok sa pagtulak ng Grandmaster Rosendo Carreon Balinas Jr. 81st Birthday Chess Cup Kiddies Event 14 Years Old Below Rapid Chess Championship na iinog sa SEtyembre 10, 2022, Sabado, 8am na gaganapin sa Second Floor, Open Kitchen Foodhall, Rockwell Business Center, Sheridan Street, Mandaluyong City.
Ang 13-year-old Arca ang paborito sa seven-round Swiss system tournament dahil sa kanyang magandang performance sa nakalipas.
" I hope to do well in this prestigious event ," sabi ni Arca na nagkampeon sa Mayor APSU Cup kiddies 14 under chess tournament na ginanap sa Mantangale Alibuag Dive Resort, Balingoan, Misamis, Oriental nitong Mayo 26, 2022.
Si Arca ang bagong miyembro ng star studded Dasmarinas Chess Academy under the guidance nina Rep. Elpidio Barzaga Jr. at National Coach Fide Master Roel Abelgas.
Ang event na suportado nina Bayanihan Chess Club co-founding Chairman Dr. Joe Balinas, Engr. Antonio Balinas at GM Balinas Family sa pakikipagulungan nina Ms. China Aurelio at Ms. Mimi Casas ng Open Kitchen Foodhall at sanctioned ng National Chess Federation of the Philippines may nakataya na total pot prizes worth P50,000.
Ang 10 minutes time control format ay may pabuya na P10,000, P7,000, P5,000, P3,000 at P2,000 sa first, second, third, fourth at fifth placers. Ang sixth hanggang 15th placers ay makakatangap ng tig P1,000 habang ang top performers para sa 12 years old and below Boys and Girls, 10 years old and below for Boys and Girls, 8 years old and below for Boys and Girls and 6 years old and below for Boys and Girls ay makakatangap ng tig P1,000, Lahat ng winners ay mag-uuwi din ng medals.
Ang tournament registration fee na P500ay ipadala sa gcash number 09390856235 (Almario Marlon Bernardino Jr.) Dahil No Onsite Registration at limited sa 150 players only.
Kalahok din sa prestigious event ay sina Yvan Laurence Dumadag, David Francis Modesto, Bryce Sunga and Marguel Soria Jr.-Marlon Bernardino-
Makikita sa larawang ito si National Master Christian Gian Karlo Tade-Arca