MANILA---Idedepensa ng Surigao Diamond Knights ang tangan na titulo sa pagtulak ng Philippine Chess League Season 4 kung saan punong abala si Grandmaster of Masons at Deputy Speaker Mr. Johnny T. Pimentel sa ganap na 8pm, Hulyo 17 virtually na gaganapin sa Tornelo Platform.
Ang Surigao City na kilala bilang bedrock of diehard wood pushers sa bansa ay nakakuha ng special place sa Philippine chess.
Ito ay matapos ang Surigao Diamond Knights ay binokya ang Edmonton Oilers sa kanilang best-of-three final series, 2-0 to para maghari sa Philippine Chess League Season 3 na tinampukang Mayor Sara Duterte-Carpio Cup virtually na ginanap sa Lichess Platform.
Dahil Oozing sa confidence matapos ang lopsided 136-98 conquest sa Game 1 sa standard chess competition, ang Diamond Knights ay muling pinabagsak ang Oilers, 144-46 sa Game 2’s Fischer Random o Chess960 tungo sa pag sweep.
Ang Diamond Knights na pag aari ni Fianchetto Checkmates’ franchiser Arena Grandmaster Rey Urbiztondo ay nakapasok sa final matapos gibain ang Davao Durianburg sa quarterfinals at Chessmis TV in sa semifinals.
Ang iba pang participatings teams ay ang Mindmovers PH chess team, Durianburg Warriors, San Miguel Chess Association, Bicol Chess Player Advocates, MCL Attackers chess team, Malolos City chess club, PFCC Wild Knights chess team, PPKGCC Knights chess team, White Knights chess club, PFCC Warlords at Malaybalay City chess club
"The Philippine Chess League is hopeful of developing more successful youngsters in the country’s most popular chess game as it stages the much-awaited Season 4 Team Battle starting Sunday." sabi ni Arena Grandmaster Rey Urbiztondo.
“This will go a long way in developing chess and provide opportunities for chess players of all forms, including women and para-athletes.” ani Urbiztondo.-Marlon Bernardino-
Makikita sa larawang ito si Arena Grandmaster Rey Urbiztondo
Makikita sa larawang ito sina Grandmaster of Masons at Deputy Speaker Mr. Johnny T. Pimentel at Arena Grandmaster Rey Urbiztondo