Fil-American Engineer Gamaro lalahok sa 50th annual World Open chess championship

Fil-American Engineer Gamaro lalahok sa 50th annual World Open chess championship

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Susugod si Filipino American Donato Gamaro na isang engineer at golfer mula Queens, New York patungo sa Philadelphia na umaasa na mapa ganda ang kanyang world ranking bukod sa muling pagbibigay ng karangalan sa bansa.


Kilala sa tawag na Gerry sa chess world ay masisilayan sa 50th annual World Open chess championship Under 2000 category sa Hunyo 29 hanggang Hulyo 4, 2022 na gaganapin sa Sheraton Philadelphia Downtown sa Philadelphia, Pennsylvania, USA.
"I hope to do well in the 50th annual World Open chess championship in Philadelphia, Pennsylvania, USA," sabi ni Gamaro na tubong Calauan, Laguna.
Ating magugunita na si Gamaro ang nagkampeon sa 14th annual Foxwoods Open International Chess Championship nitong Abril 17 na ginanap sa Foxwoods Resort Casino and Hotel sa Connecticut, USA.
Pinagharian niya ang Under 1600 division sa paglikom ng 6.5 points matapos talunin si Karim Naba sa final round ng 7-round Swiss System Tournament. Sa kanyang tagumpay sa regular game 60 minutes plus 10 seconds delay time control format ay nakatangap ng tig US$2,325 dahil sa kanyang efforts. Si Gamaro din ang nagkampeon sa Blitz side event tungo sa US$100 richer.
Si Gamaro ay kasalukuyang nasa marubdob na pagsasanay na nasa kandili ng kanyang coach/trainer US based National Master at Engineer Mario Lawsin Rebano.-Marlon Bernardino-
Makikita sa larawang ito si Filipino American Donato "Gerry" Gamaro (kaliwa) na isang engineer at golfer mula Queens, New York na nakatuon sa kanyang next moves sa kanyang opponents.
Nakamasid si National Master at Engineer Mario Lawsin Rebano.