Dimakiling nakabalik sa kontensiyon sa Grand Copthorne Professor Lim Kok Ann Invitational GM Tournament 2022

Dimakiling nakabalik sa kontensiyon sa Grand Copthorne Professor Lim Kok Ann Invitational GM Tournament 2022

Dimakiling nakabalik sa kontensiyon sa Grand Copthorne Professor Lim Kok Ann Invitational GM Tournament 2022

Dimakiling nakabalik sa kontensiyon sa Grand Copthorne Professor Lim Kok Ann Invitational GM Tournament 2022

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

Giniba ni Filipino International Master Oliver Dimakiling kontra si Indonesia's International Master Irine Kharisma Sukandar Huwebes ng gabi, Hunyo 16, para makabalik sa kontensiyon ng Grand Copthorne Professor Lim Kok Ann Invitational GM Tournament 2022 sa Grand Copthorne Waterfront, Singapore.


Ang kanyang fourth win kontra sa one draw at loss nagbigay daan sa Davao City native Dimakiling tungo sa 4.5 points, half point behind kay pacesetter Singapore's newly minted Grandmaster Tin Jingyao an nakipag draw kontra kay Vietnamese Grandmaster Nguyen Anh Dung sa 6th round.


Bunga ng pagkatalo ay nanatili si Sukandar sa 0.5 point habang si Anh Dung ay tangan naman ang 2.5 points, kaparehas na naitala ni Myanmar's International Master Wynn Zaw Htun na tabla naman kay top seed Indian Grandmaster Adhiban B. Kasama ni Adhiban sa grupo ng 3.5 points ay sina Australian International Master James Morris, Singaporean International Master Jagadeesh Siddharth and British Grandmaster Daniel Howard Fernandez.


Panalo si Morris kontra kay Singaporean Woman Grandmaster Gong Qianyun (1.0 point). Si Dimakiling na natalo kay Adhiban sa fifth round ay kinakailangan maka 2 points sa last 3 rounds para makopo ang kanyang third at final GM norm. Ang Dubai-based Dimakiling ay nakilala matapos ma upset si Asia's First GM Eugene Torre ng siya ay teenager pa lamang ay nakamit ang kanyang first GM norm matapos mag tied for first place sa Malaysian Open in 2006. Nausbi ang kanyang second norm matapos ang runner-up finished sa all-Filipino Battle of the GMs sa Boracay noong 2012 at narating na din ang 2500 ELO barrier isa sa requisite para sa full-pledged GM status.

Sa mga nakalipas na panahon ang bansa ay uhaw na uhaw na sa pagkakaroon ng bagong GM. Ng nakopo ni Torre ang GM feat noong 1974, na sinundan naman ni Rosendo Balinas Jr noong 1976, habang ang much younger Rogelio Antonio Jr ay nakamit noong 1990.


Ang sumunod na generation para sa Filipino GMs ay naganap ng taong 2000 gaya nina Buenaventura Villamayor, Nelson Mariano II (2004), Mark Paragua (2005), Darwin Laylo (2007), Wesley So (2007), Jayson Gonzales (2008), John Paul Gomez (2008), Joseph Sanchez (2009), Rogelio Barcenilla (2009), Roland Salvador (2010), Julio Catalino Sadorra (2011), Oliver Barbosa (2011), Richard Bitoon (2011), at Enrico Sevillano (2012). (Marlon Bernardino)

Makikita sa larawang ito si Filipino International Master Oliver Dimakiling (kaliwa) kalaban si Indonesia's International Master Irine Kharisma Sukandar. (Photo credit to WFM Liu Yang)