Nagpatuloy ang pananalasa ni Filipino International Master Oliver Dimakiling sa Grand Copthorne Professor Lim Kok Ann Invitational GM Tournament 2022 na ginaganap sa Grand Copthorne Waterfront, Singapore.
Matapos talunin sina Vietnamese Grandmaster Nguyen Anh Dung sa first round Monday at Singaporean Woman Grandmaster Gong Qianyun sa second round Tuesday ay naitulak ni Davao City native Dimakiling ang third-straight win matapos payukuin si Australian International Master IM James Morris sa third round Tuesday afternoon session.
Nagpakitang gilas din si Singapore's newly minted GM Tin Jingyao matapos gibain ang kanyang kababayan na si Singaporean International Master Jagadeesh Siddharth tungo sa total to 3.0 points at makahabol kay Dimakiling.
Makakalaban ni Dimakiling si Tin Jingyao para sa battle of solo leadership board sa fourth round Wednesday.
Una ng nagwagi si Tin Jingyao kontra kina Indian Grandmaster Adhiban B. at Indonesian International Master Irine Kharisma Sukandar ayon sa pagkakasunod.
Si Dimakiling ay nag celebrate ng kanyang 42nd birthday nitong Miyerkoles.
"IM Oliver Dimakiling won his 3nd round game against IM James Morris of Australia in the ongoing Grand Copthorne Professor Lim Kok Ann Invitational GM Tournament 2022 in Singapore. IM Dimakiling leads the tourney with 3 points after the 3rd round together with his 4th round opponent tomorrow morning, Singapore's newly minted GM Tin Jingyao. He will also play against top seed GM Adhiban of India in the afternoon, both crucial matches in his quest for his last GM norm," sabi ni Chess patron at lawyer Jose Dionisio “Jong” Guevarra, Jr.
Ang Dubai based Dimakiling ay nangangailangan ng one norm tungo sa GM title na marami ng taon kanyang tinatarget.
Nakamit ni Dimakiling ang first GM norm matapos mag tied for first place sa Malaysian Open noong 2006 habang naisubi ang second norm matapos ang runner-up finish sa Battle of the GMs sa Boracay noong 2012. Nakamit na din ni Dimakiling ang 2500 ELO barrier.
Sa nakalipas na mga taon ay uhaw na uhaw na ang Ph chess sa pagkakaroon ng bagong GM.
Huling nakapag produced ng GM ang bansa noong 2012 courtesy nina Richard Bitoon at Oliver Barbosa.
(Photo credit to Cecilia Chong)