Maharlika Chess Tour online tourney sa Abril 24

Maharlika Chess Tour online tourney sa Abril 24

Maharlika Chess Tour online tourney sa Abril 24

Maharlika Chess Tour online tourney sa Abril 24

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

TUTULAK na ang 1st Maharlika Chess Tour 2022 Online Blitz Tournament sa Abril 24 via lichess platform.
"The individual online tournament is open to all Filipino players with free registration, first come, first served. Limited to 500 players only," sabi ni Arena Grandmaster Dr. Fred Paez, isa sa apat na team owner ng Laguna Heroes, inaugural champion ng Professional Chess Association of the Philippines (PCAP).


Kabilang sa mga paboritong kalahok na suportado ng friends of Maharlika Party list ay mga miyembro ng Laguna Heroes na kinabibilangan nina two-time Asian Junior champion Grandmaster Rogelio "Banjo" Barcenilla Jr., Fide Master Austin Jacob Literatus, Fide Master Jose Efren Bagamasbad, Woman National Master Jean Karen Enriquez, Michaella Concio, Kimuel Aaron Lorenzo, Vince Angelo Medina, Apollo Agapay, Arjie Bayangat at Richie Jocson.
Ang 1 day online three minutes blitz tournament ay inorganisa ng Laguna Chess Association sa pakikipagtulungan ng St. Peregrine Dental Clinic, CVJR Builders, Pro Source Construction Supply at ng We Evolve Manila na may pabuyang P5,000 sa magkakampeon.
Nakalaan sa second placer ang P3,000, third ay P2,000, fourth ay P1,000 at ay fifth P700. Habang ang Sixth hanggang 10th placers ay magbubulsa ng tig P500.
May special prizes worth na tig P1,000 sa top performers sa lady, senior, junior, kiddie, executive at PWD.
Papalo na din ang Maharlika Golf Tour 2022 sa Abril 29 na gaganapin sa Greg Normal Course, Eagle Ridge Golf and Country Club sa General Trias City, Cavite.

Makikita sa larawang ito si two-time Asian Junior champion Grandmaster Rogelio "Banjo" Barcenilla Jr.