Naitala ng Zamboanga Sultans ang kambal na panalo sa 2nd season ng Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) All Filipino Conference online chess tournament virtually na ginanap sa Chess.com Platform Miyerkoles ng gabi.
Maganda ang simula ng Sultans ng ikamada ang 16-5 triumph sa Cagayan Kings at kasunod ng up 11.5-9.5 win sa Caloocan Loadmanna Knights tungo sa record na 16-7 sa Southern Division.
Namayagpag agad ang Zamboanga sa blitz game kontra sa Cagayan dahil sa natamong panalo nina National Master Paulo James Florendo, Shela Khan Sepanton, Fide Master Belsar Valencia, National Master Joey Albert Florendo, National Master Raymond Salcedo at National Master Zulfikar Sali.
Giniba ni Paulo James Florendo si Don Tyrone delos Santos, sinipa ni Sepanton si April Joy Ramos, pinabagsak ni Valencia si Ricardo Martin, winasiwas ni Joey Albert Florendo si Marc Francis Balanay, dinurog ni Salcedo si Jake Tumaliuan at binasura ni Sali si Marc Francis Balanay.
Tinalo naman ni United States Master Jojo Aquino si National Master Dale Bernardo para makaiwas ang Cagayan sa pagka bokya.
Kinaldag din ng Sultans ang Kings sa rapid match sa panalo nina Bernardo, Valencia, Joey Albert Florendo, Salcedo at Sali.
Kontra sa Caloocan ay dinomina ng Zamboanga ang blitz play, 5.5-1.5, sa panalo nina Sepanton, National Master Butch Villavieja, Joey Albert Florendo, Sali at Salcedo.
Napalaban ng husto naman ang Zamboanga sa Caloocan sa rapid match,6-8, sa likod na tagumpay nina Villavieja at Sali at tabla sina Bernardo at Joey Albert.
“Team effort pulled us through these two matches,” sabi ni Sultans team owner Zulfikar Sali. “We praise each member of the team for being a contributor of this winning streak.”
Nasilayan din ang Surigao Fianchetto Checkmates na namayani sa Quezon City Simba's Tribe, 14.5-6.5, subalit nabigo sa Rizal Batch Towers, 15.5-5.5, tungo sa 14-9 win-loss slate.
Makikita sa larawang ito si Zamboanga Sultans playing-team owner National Master Zulfikar Sali na perfect score sa Wednesday evening gruelling matches. (photo from Zulfikar Sali fb account).