Kinakitaan ng galing at husay si Ibrahim Mamantuc para pangunahan ang AdForce (Abudhabi Filipino Organization Chess Enthusiasts) Chess Master sa championship ng Arab Festival Wednesday Team Battle virtually na ginanap sa Lichess Platform.
Si Mamantuc na Kokoy Jr.tangan sa Lichess ay nakapagtala ng 198 points sapat para ihatid ang kanyang koponan sa ika-5 titulo.
Nag-ambag si Federico Agaton ng 180 points na sinundan naman ni Engr. Joseph Galindo na dating pambato ng University of the East chess team na may 130 points.
"Rising star Ibrahim "Kokoy Jr." Mamantuc again showed up with 198 points to lead AdForce Chess Master Team held at Arab World International Marathon Team Battle and seal the fifth Championships of the AdForce Chess Master Team," sabi ni Engr. Galindo na online Arena Grandmaster, licensed Fide Instructor at Fide National Arbiter.
"Team Beats Talent When Talent is Not a Team," ani Engr. Galindo.
Kasama din sa bumida sa AdForce Chess Master ay sina Anthony Pelayo (118 pts.), CJ Alvarez (113 pts.), Allan Mabatid (83 pts.), Erwin Sales (82 pts.), Allan Mak (83 pts.), former AdForce President Gil Javier (76 pts.), España Chessclub Manila top honcho engr. Ernie Fetisan Faeldonia (55 pts.), AIM Florindo Sampang (55 pts.), Chess Freak (45 pts.), Alex Amatonding (41 pts.), AdForce president Gary Flores (35 pts.), Ronnel Lennor (34 pts.), Ted Montoya( 28 pts.), Jerson Bitoon (25 pts.), AFM FRS (13 pts.), Arnold Cabiasa (8 pts.), Agodrix (6 pts.), Jefrey Taypin (4 pts.) at LG ( 2 pts.).
Nakaipon ang Adforce Chess Master na may total score 1363 points tungo sa Championship Crown.Nasa second ang host Arab World Team na may 1205 points, nasa third ang Philippine Blitz Arena na may 993 points, Fourth ay Lions of GJ5 & Kutch –of India na may 778 points, fifth ay ang Mizo Rising Star na may 746 points, sixth ay ang India's Indians Chess Army na may 725 points, Seventh ay ang Lichess Swiss of Europe na may 685 points, eight ay ang Indonesia's OPG nett Club na may 571 points, ninth ay Indonesia's Belajar Catur Profesional na may 522 points, ten ay ang KBPL Indonesia na may 434 points. Ang Arab World ay binubuo ng 200 teams na battle ng 20 leaders.-Marlon Bernardino-
Makikita sa larawang ito si Engr. Joseph Galindo na dating pambato ng University of the East chess team. (Photo from Joseph Galindo).