Mamantuc, Galindo, Bitoon nagsanib puwersa

Mamantuc, Galindo, Bitoon nagsanib puwersa

Mamantuc, Galindo, Bitoon nagsanib puwersa

Mamantuc, Galindo, Bitoon nagsanib puwersa

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

NAGSANIB puwersa ng husay at talino sina Ibrahim Mamantuc, Joseph Galindo at Jerson Bitoon para ihatid ang Adforce Chess Master sa kampeonato sa katatapos na Lichess Liga 9C Team Battle online chess championships.

Nagkamada si Mamantuc ng 47 puntos, naitala naman ni Galindo ang 46 puntos habang nag ambag naman si Bitoon ng 39 puntos para makamit ng Adforce Chess Master ang titulo sa kabuuang 263 puntos.
Sumegunda naman ang glebuschess chess team na may kabuuang 240 puntos at nalagay sa tersera ang The Chess Lounge team na may total output 238 puntos.
Ang iba pang woodpushers na bahagi ng winning team na Adforce Chess Master ay sina Aldrin Malibiran (36 pts.), Noli De Loro (35 pt.s), ,Rolly Gangoso (30 pts.), John-John Mendoza (30 pts.), Al Morales (25 pts.), Adforce President Gary Flores (21 pts.), Engr.Ernesto Yap (20 pts.), Florendo Sampang (18 pts.), Blue Boy (17 pts.), Gil Javier (15 pts.), Agoldrix (10 pts.), Bry (4 pts.) at Marlon Pedarse (2 pts.).
Si Jerson Bitoon ay nakababatang kapatid ni US based Grandmaster Richard Bitoon habang si Gary Flores ay anak ng namayapang International Master Ben Flores ayon kay Arena Grandmaster HajiYusuf Riano Villanueva Galindo.
Dahil sa pangyayaring ito ay uusad na ang Team Adforce Chess Master sa Liga C ng Bundesliga. Ang iba pang miyembro ng Team Adforce Chess Master ay sina engr. Ernie Faeldonia, Abel Dimalanta at Mark Louie Velasco.