CAINTA, Rizal---Dinomina ni National Master Oshrie Jhames “OJ” Constantino Reyes ng Santa Rita, Pampanga ang katatapos na over the board (otb) rapid chess tournament na ginanap sa Goldland Chess Club, Village East Executive Homes sa Cainta, Rizal Huwebes, Disyembre 30, 2021.
Ang 10-year-old Reyes na Grade 5 student ng EZEE, Guagua, Pampanga ay nagmarka ng 8 points out of the possible ninth sa 10 player's field, single round robin format na ipinatupad ang time control 10 minutes play to finish.
"I want to show through my actions that athletic excellence can be achieved with dedication, hard-work and support." sabi ni Reyes na suportado ang kanyang local at international chess tournaments nina Pampanga Governor Dennis "Delta Pineda, Pampanga Vice- Governor Lilia "Nanay" Pineda at Pampanga 2nd district Board Member Fritzie David-Dizon.
Nagpakitang gilas din ang 11-year-old National Master Al Basher "Basty" Buto na Grade 6 student ng Faith Christian School sa Cainta na nag second na may 7 points habang si Noel Jay "Super B" Estacio ng San Dionisio, Iloilo ay nalagay sa third na may 6 points.
Nasa fourth hanggang fifth places na may tig 5.5 points ay sina National Master Almario Marlon Bernardino Jr. ng Quezon City at Rohanisah Buto ng Cainta, Rizal.
Ang mga top ten (10) ay sina Mar Aviel Carredo ng Quezon City (sixth), Abdul Buto ng Cainta, Rizal (seventh), Levis Miranda (eight), Prince Reyes (ninth) at Jimmy Reyes ng Santa Rita, Pampanga(tenth).
Sa isang banda ay nagkampeon din si Candidate Master Genghis Imperial ng Manila sa five minutes blitz format.
Ang Chief Arbiter ay si NA Avelino "Ka Eli" Carredo habang umaktong supervising / tournament Director ay si Mr. Bong Buto.-Marlon Bernardino-
Makikita sa larawang ito si National Master Oshrie Jhames “OJ” Constantino Reyes ng Santa Rita, Pampanga (kanan) na nakatutok sa kanyang next moves kontra kay National Master Al Basher "Basty" Buto ng Cainta, Rizal. Nakamasid naman sina Mar Aviel Carredo ng Quezon City (kanan) at Prince Reyes ng Santa Rita, Pampanga. (photo credit to Marlon Bernardino)