Standings after round 7:
6.5 points---IM Daniel Quizon
5 points---IM Ronald Dableo
4.5 points---IM Ricardo de Guzman
4 points---GM Darwin Laylo, IM Jan Emmanuel Garcia
3.5 points---IM Joel Pimentel, IM Paulo Bersamina, IM John Marvin Miciano
3 points--GM Rogelio "Joey" Antonio Jr.
2 points---WGM Janelle Mae Frayna
1.5 points---IM Michael Concio Jr.
1 point---Allan Pason
MANILA---Nauwi sa tabla ang laban ni International Master Daniel Maravilla Quizonkontra kay Allan Pason para mapanatili ang one and half-point lead patungo sa nalalabing apat pang laro ng 2021 Philippine National Chess Championship (Barkadahan Para sa Bansa FIDE-rated over-the-board Chess Championships Linggo na ginanap sa Solea Hotel and Resort sa Mactan, Cebu.
Si Quizon, isa sa walong IMs sa 12-player field ay sinalag lahat ng atake ni Pason tungo sa much-needed draw sa 62 moves ng Modern defense para mapalakas ang tsansa sa titulo na may top P80,000 purse.
Napanatili ni Quizon tangan liderato na may 6.5 points kasunod si International Master Ronald Dableo na nasa second na may 5 points.
Giniba ni Dableo si International Master Paulo Bersamina sa 30 moves ng Reti Opening.
Tumapos si International Master Ricardo de Guzman ng third position na may 4.5 points. Tabla siya kay International Master John Marvin Miciano sa 66 moves ng Bogo Indian defense.
Tinalo ni Grandmaster Darwin Laylo si International Master Michael Concio Jr. sa 32 moves ng Budapest Opening tungo sa 4 points at pagsalo sa 4th hanggang 5th placers kay International Master Jan Emmanuel Garcia.
Tabla si Garcia kay International Master Joel Pimentel sa 15 moves ng Reti Opening.
Sina Pimentel, Bersamina, Miciano ay mayrun ng tig 3.5 points.
Tabla naman si Grandmaster Rogelio "Joey" Antonio Jr. kay Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna sa 20 moves ng Caro-kann defense tungo sa total 3 points.
Ang six-day event ay suportado nina PSC chair Butch Ramirez, NCFP president Rep. Butch Pichay, POC president Rep. Bambol Tolentino, Chess Movement Chairman Dr. Ariel Potot, PCSO vice chair at general manager Royina Garma at Atty. Roel Canobas.
Bukod sa slot sa AIMAG na gaganapin sa Bangkok at Chonburi, Thailand sa taong 2023 nakalaan sa magkakampeon ang worth P80,000 plus P50,000 at P25,000 sa second at third placers ayon kay NCFP CEO GM Jayson Gonzales.