Laguna nagpapalakas para makopo muli ang titulo ng PCAP chess

Laguna nagpapalakas para makopo muli ang titulo ng PCAP chess

Laguna nagpapalakas para makopo muli ang titulo ng PCAP chess

Laguna nagpapalakas para makopo muli ang titulo ng PCAP chess

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

MANILA---Layunin na muling umangat sa chess ay nag desisyon ang Laguna na kunin ang serbisyo ni dating Olympian International Master Petronio "Rony" Roca.
"If the Laguna Heroes Team luckily gets IM Rony Roca from the draft, it's surely a big boost to our team. Hopefully, we can be more competitive in the coming season of PCAP." sabi ni Dr.Fred Paez, isa sa apat na co-team owner ng Laguna Heroes na kinabibilangan nina Mr. David Nithyananthan ng KALARO, Engr. Benjamin Dy ng SDC Global Choice ay Engr. Jonathan Mamaril ng Oregon, USA.


“We want to become contenders again,” dagdag pa ni Dr. Paez na certified online Arena Grandmaster.
" It's an honor to play the Laguna Heroes," sambit ni Roca na dating senior player ng Cavite Spartans.
Nag ukit sa kasaysayan ang Laguna Heroes na maging kauna-unahang kampeon sa Professional Chess Association of the Philippines (PCAP). Nakamit ng Laguna ang titulo sa All-Filipino Conference matapos daigin ang Camarines sa grand finals nitong Abril.
Subalit naghari naman ang Iloilo Kisela Knights sa 2nd PCAP na tinampukang GM Wesley So Cup nitong Agosto habang nanguna naman ang San Juan Predators sa 3rd PCAP nitong Nobyembre.
Ang iba pang miyembro ng Laguna Heroes na suportado ng KALARO, Greatech Philippines, Inc., SDC Global Choice, Jolly Smile Dental Clinic, at ng Rotary Club of Nuvali ay sina Grandmaster Rogelio "Banjo" Barcenilla Jr., Fide Master Austin Jacob Literatus, Woman National Master Jean Karen Enriquez, Michella Concio, Fide Master Jose Efren Bagamasbad, Grandmaster John Paul Gomez, Vince Angelo Medina, Kimuel Aaron Lorenzo at Candidate Master Arjie Bayangat.-Marlon Bernardino-
Makikita sa larawang ito si International Master Petronio Roca (kaliwa) na kalaban si Khin Than ng Myanmar sa 9th Asian Seniors Chess Championship (Standard event) na ginanap sa Tagaytay International Convention Center sa Tagaytay City nitong Nobyembre 2018. (photo from International Master (IM) Petronio Roca facebook account)