GM Barcenilla, CM Bayangat nagsilbing bituin sa Laguna para biguin ang Caloocan

GM Barcenilla, CM Bayangat nagsilbing bituin sa Laguna para biguin ang Caloocan

GM Barcenilla, CM Bayangat nagsilbing bituin sa Laguna para biguin ang Caloocan

GM Barcenilla, CM Bayangat nagsilbing bituin sa Laguna para biguin ang Caloocan

Share to Facebook Share to Twitter Share to Google Plus

MANILA---Tinalo nina Grandmaster Rogelio "Banjo" Barcenilla Jr. at Candidate Master Arjie Bayangat ang kani-kanilang katunggali para pangunahan ang Laguna Heroes sa pag-giba sa Caloocan Loadmanna Knights, 15.5-5.5, sa third conference Professional Chess Association of the Philippines (PCAP) na ginanap via Chess.com Platform Sabado, Nobyembre 6, 2021.


Ang Arizona, USA-based GM Barcenilla na dating two-time Asian Junior champion ay namayani kay International Master Jan Emmanuel Garcia sa 43 moves ng King's Indian defense sa board two habang ginulat naman ni Bayangat si International Master Barlo Nadera sa 75 moves ng Queen's Pawn Opening sa board five.
"CM Arjie Bayangat was a great revelation in tonight. Blanking IM Barlo Nadera both in blitz and rapid was a difficult task. I really appreciate the team for the determination to hurdle our match against tough Caloocan Team," sabi ni Arena Grandmaster Dr. Fred Paez, preisdente ng Philippine Executive Chess Association at isa sa apat na co-team owners ng Heroes na kinabibilangan nina Mr. David Nithyananthan ng KALARO, Engr. Benjamin Dy ng SDC Global Choice at Engr. Jonathan Mamaril ng Oregon, USA.
Malakas na sinimulan ng Laguna aknilang kampanya sa pangunguna nina Barcenilla at Bayangat na nagpalakas ng loob kay Michella Concio na nanalo kay Woman National Master Arvie Lozano sa 55 moves ng English Opening sa board three at Fide Master Jose Efren Bagamasbad na pinigil si International Master Domingo Ramos sa 45 moves ng French defensesan board four para ihatid sa 10-4 victory sa rapid section.
Habang sina Laguna's board one player Grandmaster John Paul Gomez at board seven bet Kimuel Aaron Lorenzo ay tabla kina Caloocan's International Master Paulo Bersamina at Fide Master Nelson Villanueva, ayon sa pagkakasunod.
Kinamada naman ni Paul Sanchez ang buong puntos ng Caloocan matapos ungusan si Vince Angelo Medina sa 71 moves ng King's Indian attack sa board six.
Ang Heroes na suportado ng Greatech Philippines, Inc., SDC Global Choice, Jolly Smile Dental Clinic, KALARO at Rotary Club of Nuvali ay convincingly pagkapanalo sa Loadmanna Knights ,5.5-1.5, sa blitz portion.
Panalo din ang Laguna sa Rizal Batch Towers,14-7.
Susunod na makakalaban ng Heroes na tangan ang 15-4 win-loss record sa Northern Division ay ang Olongapo Rainbow Team 7 at Pengcheng Chess Club (China) sa Miyerkoles (Nobyembre 10, 2021).-Marlon Bernardino-
Makikita sa larawang ito si Candidate Master Arjie Bayangat na tangan ang inauguration championships' trophy para sa Laguna Heroes